"Hoy gumising ka na. "Sabi ko habang tinatapik-tapik siya matapos kong makapag park dito sa bahay, kaya lang wala pa rin akong nakuhang response mula sa kanya. Hilik lang siya ng hilik. Haayyyssss. No choice kung hindi buhatin ko talaga siya kahit labag sa kalooban ko. Binuksan ko muna ang pinto ng bahay ko para hindi ako mahirapan tsaka ako bumalik sa kotse. Dahan dahan ko siyang binuhat at talagang tulog mantika ang babaeng ito kasi hindi man lang nagising. Ang bigat niya grabe. Mukhang mas mabigat pa siya kesa sa akin ehhh. Pag ka pasok namin binaba ko muna siya sa sofa. Napatingin ako sa may hagdan. I - a-akyat ko ba talaga siya sa kwarto niya? O iwan ko na lang siya dito sa couch? Kung pipilitin ko naman siyang magising, I know it will just waste my time kasi for sur