NIXIE's POV Nagising ako nang maramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko, dun ko din Napansin na maaga na pala at naka suot parin ako ng gown ko. Kaya lang parang medyo lumuwag yun sa may bandang likod. Naisipan Kong pumasok sa CR para naman mag hilamos. "Awww... Ang sakit ng ulo ko. " Hindi ko maiwasang masabi habang hinihilot hilot ang sintido ko. Ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala! Ang natatandaan ko lang ay umiinom ako ng wine dahil sobrang nasarapan ako sa lasa tapos diko na maalala. Tsaka asan naman kaya si Caerus? Baka sa labas na naman yun natulog sa may sofa. Haaayyyssss.. Pag katapos Kong mag hilamos, dun ko napansin na naka tanggal pala yung tali ng gown ko sa likod ko, kaya naman pala maluwag. Siguro natanggal sa pag tulog ko. Inayos ko lang yun tsaka