Nandito ako sa coffee shop ni Sunshine. Dito kasi namin napag kasundoan na makita ng aking mga kaibigan. Gustong pa sanang sumama ni Anthony pero sinabi ko na ako na lang muna ang kakausap sa mga kaibigan ko. Mag tatampo sana siya pero naalala niyang buntis pala ako kaya yes babe na lang siya. Nag promise naman ako sa kaniya na after namin mag usap ay ipapakilala ko na siya sa mga best friends ko. “ Ano ba kasi ang sasabihin mo Delight. Na curious na ako ehh! Tapos ibang iba pa ang aura mo ngayon. Blooming ka at mukhang fresh. Tell me may jowa ka na noh?! ” “ Masyado kang ata Shine, hintayin muna natin ang iba kasi para isang announcement na lang ang gagawin ko, nakakapagod mag salita ng paulit-ulit. ” “ Sos! If I know sasabihin mo lang may boyfriend na ako girls at live-in na kami. T