Kinabukasan parang deja vu, katulad lang noong unang nagising ako sa kwartong ito, ilang buwan na ang nakalipas. Nag unat ako bago humiga ng ayos. Tinignan ko kung may katabi ako pero na dismaya lang dahil ako lang pala magisa. Walang bakas na dito siya natulog. Hindi siya tumabi sa akin kagabi, bakit? Nag bago na ba ang isip niya at ayaw na niya ako panagutan. Parang may kumurot sa aking dibdib, paano kung ganoon nga. Kinapa ko ang puso ko, bakit ako nasasaktan? Dati hayagan kong sinasabi I don't need a man para sa aming magina. Proud kong sinasabi na kaya ko palakihin mag isa ang anak ko. I have all my plans para sa aming dalawa lang. Hindi ko na isip na magkikita ulit kami ng sperm donor ko. Napatulala ako, bakit nga ba ako nasasaktan. Hindi ko nga tinanggap ang proposal niya sa akin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books