Chapter 5 Mas bumuti na ang aking pakiramdam ngayon, kumpara kahapon. Tama ang desisyon kong magpahinga buong araw. Nakakakilos na ako ng maayos at nakapag luto na ako ng aking agahan at ng aking babaunin sa pagpasok. Para hindi na ako lumabas at pumila sa cafeteria mas convenient sa akin ang mag baon nalang. After kong kumain at mag handa ng aking sarili, humarap muna ako sa salamin at sinuri ang aking sarili. Baka kasi may maka pansin, halata pa kasi ang mga chikinining iniwan sa aking leeg ni mister stranger. Nang ma satisfied na ako sa paglagay ng concealer ay inuminom naman ako ng painkillers para mawala ang pananakit ng aking katawan. Kailangan ko ng maraming energy ngayon dahil mga hyper ang aking mga estudyante. Nag commute lang ako papunta sa school na pinapasukan ko. Lalak