Anthony's Pov Kasama ko ang aking mga kaibigan, nandito kami ngayon sa bar na pagmamay ari ng kaklase namin sa college. Dito kami madalas tumambay kapag gusto namin ng ibang ambiance. Maaga pa kaya tamang upo lang muna kami sa bar counter. Nagkukwentuhan kami ng biglang na agaw ang attention ko sa isang babaeng pumasok. Marami siyang kasama pero bukod tanging sa kaniya napako ang aking paningin. Ngayon ko lang siya nakita dito sa bar. Batid kong marami ang nakatingin sa kaniya at naiinis akong isipin na may kahati ako. Hindi ako possessive lalo na sa babae, pero sa kaniya ayaw kong may ibang lalapit na iba. Nagulat ako ng matauhan, ngayon ko lang siya nakita pero ganito na agad epekto niya sa akin. So unbecoming of me. Buong gabi nasa kaniya lang ang attention ko. Kaya noong may isang p0t