Ilang linggo narin mula nang masinsinang pag uusap namin ni Anthony sa kanyang office. Tinutuo nga niya ang lahat ng kanyang mga sinabi. Bumawi nga siya sa bata. Masaya ako dahil nakikita ko ang effort niya. Tama ang pasya niyang ayusin ang relasyon nilang mag ama. Mas naging masayahin ngayon ang bata, ang makita ang ngiti at kinang sa mata nga bata tuwing hinatid siya ng daddy niya sa school. It's a priceless moment, kahit na hindi naman kami blood related at teacher niya lang ako ay ramdam mo sa puso ang kaligayahan nadarama ngayon ng bata. “Good morning teacher mommy, look I have a new yaya na. But daddy promised that he will send me to school everyday.” Bungad sa akin ni Millie. Kasama niya ang daddy niya ngayon at ang bago niyang yaya. Nasabi na ito ni Anthony sa akin, may mga pana