Nandito kami ngayon ng aking mga kaibigan sa aking bahay. Dito kasi ang venue na napili namin para sa bridal shower ko. Bukod sa mga kaibigan ko nandito din ang mga pinsan ni Anthony na babae at ang mga kaibigan ko sa school na si Diane at Michelle. Ang original plan kasi talaga ay doon dapat kami sa isang VIP room sa isang sikat bar. Pero nang malaman ito ni Anthony ay biglang nag bago ang isip niya at hindi na siya pumayag. Ayaw na niyang mag punta kami sa bar. Not unless kasama siya. Napaka kill joy niya talaga, wala kaming nagawa kundi dito na lang gawin ang bridal shower sa bahay ko. Gusto nga niyang ipagasama na lang ang stag party nila at ang bridal shower namin, pero both our friends disagree. Doon sila sa Man Cave nila mag babardaka at kami dito lang sa bahay ko. Siniguro niya na