KEYCEE's POV Sabay kaming nag-aalmusal ni Ace pero pareho kaming tahimik. At dahil nabibingi na 'ko sa katahimikan kaya ako na ang nagsalita. “Uhm, Ace?" I started, "lumaki ka ba sa Korea?” binaba niya 'yong binabasa niyang book at tumingin sa 'kin. Uminom muna siya ng tea bago sumagot. He hummed first. “I was born there at nag-stay kami ro'n until I turned twelve. Why did you ask that so suddenly?” tanong niya sabay tingin ulit sa libro niya. Gusto ko kasing malaman kung may kilala ba siyang Kyung Jae. Itatanong ko kaya? “Uhm, may kilala ka bang…?” Napaisip muna ako. Malaki ang Korea kaya imposibleng kilala niya 'yon. Huwag na nga lang. “Ah wala," sabi ko na lang at ipinagpatuloy ulit ang pagkain. “Sige na, itanong mo na. Baka hindi ka na magkaroon ng pagkakataong magtanong sa 'kin