KEYCEE'S POV Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ace. "Ano'ng sabi mo?" Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa 'kin, wala man lang bakas ng pagbibiro. Bigla tuloy akong naguluhan. Wala naman kasi akong maalalang gano'n. Nagkwentuhan lang kami ng bartender, binigyan niya pa nga ako ng advice, 'di ba? "You kissed that bartender, Keycee. Right in front of my eyes." Agad akong bumangon at tiningnan siya. Hindi yata magandang biro 'to. "Hindi 'yan totoo, hubby—" "Don't hubby me, Keycee." Napahiya ako sa pag-interrupt niya sa 'kin kaya hindi na ako nakakibo. Bumangon din siya kaya pareho na kaming nakaupo, magkaharap. "Hindi ko akalaing magagawa mo 'yon sa 'kin. At noong inabot mo sa kaniya ang card ko para bayaran ang ininom mo, you offered him a car in exchange for a one night sta