ACE'S POV Kararating lang namin ni Keycee sa bahay. Nauna siyang pumasok sa loob. Medyo nahuhuli naman ako dahil kinuha ko pa ang mga gamit namin sa compartment bago sumunod sa kaniya. Pansin ko rin ang sasakyan ni Ryan sa kabilang garahe kaya alam kong narito na siya. At pagpasok ko sa main door, siya agad ang sumalubong sa 'kin. Malapad ang ngiti niya at may bibit na plastik ng mangga. "Thirty thousand lang ang isang kilo, Kuya Asyo—Ace." "Nakita na ba ni Keycee 'yan?" "Oo. Pero sinimangutan n'ya lang ako." "Kung hindi n'ya pinansin 'yang mangga mo, kahit presyuhan mo pa ng isang milyon 'yan, hindi ko 'yan babayaran." Nilagpasan ko siya at sinundan ko si Keycee na kasalukuyang paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. "Pero nahirapan akong maghanap ng mabibilhan nito!" sigaw pa niy