Hindi matahimik si Kaia sa kanyang kuwarto. Kanina pa siya pabalik-balik sa kanyang paglalakad. Naiinis siya. Nagagalit. At selos na selos siya ngayon kay Carson. Bumaba siya kanina upang puntahan sana si Shayna. Kakausapin sana niya ito para makahingi siya ulit ng tawad at lubos na makapagpaliwanag dito ngunit ano ang naabutan niya? Naabutan lang naman niya na masaya itong nakikipag-usap kay Carson habang sabay silang kumakain. Sabay silang kumakain at binalewala na naman siya ng mga ito! Naabot ni Kaia ang kanyang telepono at sa galit ay ibinato niya ito. Damn, damn, Carson! Ano ba ang gusto nitong palabasin?! Na magkakampi ito at si Shayna samantalang siya ang kontrabida sa buhay ng mga ito?! Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili kaninang makita niyang masayang kumakain