"Tina, this is inappropriate," pananaway ni Carson sa babae. Kinuha na niya mismo ang kamay nito at inilagay sa kandungan nito. "It's also inappropriate to marry someone you do not love for business purposes, Carson." Napasulyap si Carson sa dalaga na sumisimsim na sa kopita ng alak na inabot nito mula sa mesa. "Kung alam ko lang, I should've asked my Dad to do our own proposal. Kaya naman siguro naming tapatan ang presyong inilahad ng mga Lee." Nagtagis ang mga bagang ni Carson. He felt like he was a slut being sold to the highest bidder. Napansin naman iyon ni Tina kaya nagmamadali niyang kinalma ang lalaking gusto. "Matagal mo nang alam na gusto kita, Carson. College pa lang tayo ay alam mo na iyon. I've always liked you. I like your simplicity, your wisdom, your sense when you