Tatlong araw na ang nakalipas simula noong pagdating niya sa hacienda at hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sa barn. Dapat hindi siya nakakaramdam ng hiya at dapat proud pa siya sa hinaharap niya dahil may kalakihan iyon. Ewan niya ba kong bakit sa tuwing nakakasalubong niya ang binata ay nag-iinit ang pisngi niya sa kahihiyan.
"Madam, ubas po," inabutan siya ng ubas ni Mutya na agad niya namang tinanggap. Kinain niya iyon habang nakatanaw sa vineyard. Naka-tambay kasi siya roon sa may kubo malapit sa barn. Kahit nahihiya siya sa binata hindi pa rin siya iiwas dito dahil baka kong anong isipin nito sa kaniya.
"Ayan na naman ang kalandian ni Pokita! Tingnan mo ma'am, papunas punas ng pawis ni Kenzo! Ang harot-harot hindi na lang mag pokus sa trabaho." Naiinis na sambit ni Mutya at napamaywang pa tiyaka tinuro-turo si Pokita na nasa malayo. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa nakikita niya.
"She shouldn't do it! Nandito siya para mag trabaho hindi para trumabaho ng tao," nakataas na ang kilay niya habang 'di pa rin inaalis ang tingin sa mga ito.
"Tawagin mo si Pokita," sambit niya kay Mutya na agad naman sinunod nito. Nakita niyang lumapit sa dalawa si Mutya kaya't napatingin ang binata sa kaniya. Taas noo niyang sinalubong ang titig nito, sisiguraduhin niyang hindi siya ang unang bibitaw sa titig.
Maya't maya napairap siya nang lumapit na sa kaniya si Pokita na parang naiinis pa ang itsura.
"Bakit po madam?" nagkrus ang kaniyang kamay at tinaasan ito ng kilay.
"Go to the other side of hacienda, kailangan pa nila ng katulong para sa mga inaayos doon," matigas na sambit niya rito.
"P-po? Eh, dito po ako naka-assign—"
"Are you disobeying what i say?" Tuluyan nang uminit ang kaniyang ulo kay Pokita.
"Hindi po madam pero—"
"Then go! 'wag mong pinapainit lalo ang ulo ko." Tumayo siya at kinuha ang kaniyang cellphone sa lamesang kahoy.
"Samahan mo siya Mutya at siguraduhin mong tumutulong siya roon," baling niya kay Mutya. Nilagpasan niya rin ang mga ito at tumungo sa binata na nasa bilad ng araw.
"Teach me how to ride a horse," saad niya kay Kenzo. Napatingin ito sa kaniya habang nagpupunas ng pawis.
"Okay, can you wait for an hour or two? because i'm doing my job right now, madam." Napasimangot siya lalo dahil madam pa rin ang tawag nito sa kaniya.
"Stop calling me madam and call me by my name."
"You're the grand daughter of my boss, I can't, madam." Inirapan niya ito at hinablot ang kamay.
"Kong ayaw mo ako tawagin sa pangalan ko, then let's go and teach me how to ride a horse. Ako ang madam mo 'di ba?" Napapikit siya ng hindi niya mahatak ang binata dahil mukhang nagpapabigat pa ito lalo.
"Ano ba—"
"Fine, Lauren. Pwede mo na ba akong hintayin ng isang oras?" Sumilay ang ngiti sa labi niya kaya mabilis siyang tumango rito. Inabot naman niya ang kaniyang cellphone sa binata.
"Type your number here, tatawagan kita para malaman mo 'yong number ko para mai-text mo ako pag tapos ka na," nakagat niya ang ibabang labi nang kunin nito ang cellphone niya at tinype ang numero. Agad niyang tinawagan iyon at narinig niya ang ring galing sa bulsa nito.
"Text me," paalala niya rito bago ito talikuran. Masaya siyang bumalik sa loob ng mansyon at dumeretso sa kaniyang kwarto. Humiga muna siya sa kama at nag-scroll lang sa social media account niya.
Naghintay talaga siya ng isang oras at nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya, binuksan niya agad iyon at nakita ang mensahe ng binata. Kinagat niya ang labi dahil sa tuwa at mangha rito, talagang tinupad nito ang isang oras.
She tied her hair into messy bun before she go outside. Nakita niya ito sa labas ng mansyon at nakasakay ito sa motorsiklo. Napalunok siya nang mapatingin sa matigas na braso nito hanggang sa kamay na kitang kita ang mga ugat.
"Marunong ka bang umangkas? medyo malayo rito ang kwadra ng mga kabayo," paliwanag sa kaniya ng binata.
"Of course, nakasakay na ako ng motor 'no!"
"Come here," nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso at hatakin papalapit dito.
"Wear this helmet." Sinuot nito sa kaniya ang nag-iisang helmet na dala nito. Para naman siyang napipe nang mapansin na sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Muli na namang bumagsak ang tingin niya sa mapupulang labi nito.
Gosh, mababaliw na ata ako. Bakit ba kasi sobrang guwapo nitong nilalang na 'to!
Sa totoo lang hindi talaga siya makapaniwala na nagta-trabaho ito sa hacienda, kong hindi siya kilala ng mga ito pagkakamalan itong may-ari ng hacienda. Sumakay siya ng motor at inalalayan siya ng binata. Bigla niyang naibawi ang kamay niya nang hawakan siya sa kamay nito para alalayan, hindi dahil sa nahihiya siya kon'di dahil may naramdaman siyang kakaiba nang magdikit ang balat nila.
"Hold on," tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. Agad na yumakap siya sa bewang nito kaya dumikit ang harap niya sa malapad na likod nito.
"f**k," rinig niyang mura nito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa binata.
"Bakit?" tanong niya dahil curious siya kong bakit ito nagmura bigla-bigla.
"Can't you wear a goddamn bra? are you aware that most of the employees here are men? are you trying to seduce them?" mahina pero rinig na rinig niya iyon. Magsasalita sana siya para idepensa ang sarili nang bigla nitong pinaandar ng mabilis ang motor kaya napayakap siya ng husto kay Kenzo.
Ano bang problema ng walang bra? naka n****e tape naman siya, tiyaka halatang halata ba? o baka naman nakatuon lang ito sa dibdib niya? Bigla na naman nag-init ang pisngi niya sa naisip.
What is happening to me?!
Nang makarating sila sa kuwadra ng kabayo ay bumaba na siya sa pagkakasakay. Pero dahil may kahanginan sa oras na iyon ang dress niyang suot ay tumaas dahilan para makita ang pula niyang panty.
Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa mukha ni Kenzo na nakatingin ngayon sa ibaba niya. Nakaigting ang panga nito nang tumingin na ito sa mukha niya.
"You're really trying to seduce all of men here," hindi iyon tanong. Bigla naman uminit ang ulo niya dahil sa pinapalabas nito.
"Duh! I-i just forget to wear a cycling shorts, at bakit ko naman sila ise-seduce? tiyaka ano bang pakialam mo kong wala akong bra at wala akong cycling shorts sa ilalim ng dress na 'to? bakit, na-aakit ka ba sa'kin?" Mas umigting lalo ang panga nito kaya napalunok siya. Humakbang siya paatras nang lumapit ito sa kaniya ng husto, nagulat siya nang hulihin nito ang bewang niya at hapitin siya nito.
"Believe me, you're the one who'll be seduced and I already imagine you begging," napakurap siya at napatingin sa mga mata nito na mas dumilim pa ata lalo.
"B-begging for what?" nauutal niyang tanong dito.
"Begging to eat you, because I'm expert with that," nag init ang buong mukha niya lalo na ng lumapit ang labi nito sa tainga niya. "And once you experienced what i am talking about, you'll never forget me. Even in your dreams, i'll be there eating you while you are screaming my name, Lauren." Agad niyang naitulak ito dahil may kong ano sa sistema niya ang nagpa-init lalo ng nararamdaman niya.
"B-bastos!" Ngumisi ito sa kaniya at tinalikuran siya.
"Magmakaawa ka lang at babastusin kita sa paraan na gusto mo," tuluyan na itong pumasok sa kuwadra ng mga kabayo.
Sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya alam kong bakit sobrang laki ng epekto sa kaniya ng binata.
Hinantay niya lang ito sa labas hanggang sa lumabas ito na may dalang puting kabayo.
"Gusto mong ikaw lang sumakay mag-isa o,sasakay rin ako?" tanong sa kaniya ng binata.
"Sumakay ka, dahil baka mahulog ako." Natatakot kasi siyang mahulog sa kabayo dahil pag nagkataon ay mabubugbog talaga ang katawan niya.
"Don't worry, I won't let you fall." Lumapit na siya rito at tinulungan siya nito makasakay ng kabayo at dahil naka-dress siya todo hawak siya sa laylayan ng dress nang makasakay.
Sumakay naman sa likod niya si Kenzo at nagulat siya nang hawakan siya nito sa bewang gamit ang isang kamay.
"Ipitin mo sa hita mo 'yong laylayan ng dress mo," utos nito na agad niya namang sinunod.
"O-okay na." Nauutal pa siya dahil distracted talaga siya sa kamay na nakapalibot sa maliit niyang bewang. Ramdam niya rin ang mainit na hininga nito banda sa tainga niya.
"B-baka mahulog tayo ha, dahan dahan lang," paalala niya dahil medyo kinakabahan siya. Hindi niya nga lang matukoy kong saan siya mismo kinakabahan dahil kanina pa nagwawala ang puso niya.
"If you fall, I'll catch you no matter what." Dahil sa sinabi nito mas dumagundong ng husto ang kaniyang puso at kong anong kiliti ang naramdaman niya sa kaniyang tiyan.
The heck, what if i really fall for you, Kenzo? Would you really catch me?