RATED-18
****************†*******************
Alvin's POV
ALAM niyo ba iyong, ang buong paligid mo ay napapalibutan ka ng dilim. Kahit anong takbo ko hindi ako napapagod at wala akong paroroonan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nakakarinig ako ng boses ngunit hindi ko kilala. Even boses ng aking pamilya ay hindi ko na kilala. Sinusunod ko lang ang mga boses dahil iyong ang gusto ng katawan ko.
Pakiramdam ko nakakulong ako sa walamg hangganang kulungan. No hindi ko mahanap ang daan, lakad-takbo ang aking ginagawa. Pero wala talagang nangyayari. Ano itong nangyayari sa akin?
Bakit ako nagkakaganito?
Louisa's POV
"Hoy! Louisa!" Biglang sigaw ni Rosette nang masilayan ako na papasok sa gate ng bahay nila.
Inilalayan ko si Alvin lumakad baka madapa medyo mabato ang paligid kina Rosette.
Sinalubong niya kami ni Alvin at tumulong ito. Nakahawak ito ngayon sa kabilang braso ni Alvin.
Nang makapasok kami sa bahay nila ni Elthon ay naa-amaze parin ako. Tangna, ito ang dream house ko, kumbaga American style.
"Anong nakain mo at dinala mo si Alvin rito?" Curious nitong tanong ng mapaupo namin si Alvin sa sofa.
"Gusto kong ipasyal ito, naaawa ako rito kapag nasa loob lang ng mansyon." Giit ko. Tama nga iyon, mas lalo nga akong naaawa sa Papa Alvin ko. Dapat kasi rito, kinakausap at pinapasyal baka mas lalo pa itong mabaliw.
"Tama nga iyan, teka tatawagin ko lang ang dalawang bata."
Tumalikod si Rosette sa amin at umakyat sa second floor ng bahay. Sandali kong inayos ang buhok ni Alvin dahil magulo ito. Dahil siguro iyon sa nakasakay kami sa kabayo kanina. Mabuti nalang marunong akong mangabayo kaya madali lang sa akin na kasama ito sa isang kabayo.
"Ang gwapo talaga ni Papa Alvin." Kinikilig ako at kinurot ko ang pisngi niya. "Gumaling ka na kasi."
"Kapag palagi mo siyang kinakausap ng ganyan, Louisa, sigurado akong gagaling ang kapatid ko."
Napaupo ako ng tuwid nang biglang magsalita si Elthon. Pinamulahan ako sa sobrang hiya. Tangna, baka isipin nito na tini-take advantage ko si Alvin.
Lumapit si Elthon kay Alvin at yumakap rito, "magpagaling ka na dahil, naghihintay si Louisa." Bulong niya sa kapatid. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha. Katulad ni Rosette gago rin minsan si Elthon.
"Kumusta na siya?" Tanong nito at umupo sa kabilang couch.
"Wala pa ring improvement, Señorito." Malungkot na wika ko. Pero hindi parin ako sumusuko.
"Pag-igian mo lang, hindi kami nagkamali ni Rosette na i-suggest ka kay Mommy na ikaw ang magbantay sa kanya. Ngayon ay nakakapasyal na siya rito. At nailalakad mo na." Mahabang wika ni Elthon. Tangna, hindi ko alam na sina Rosette pala ang may pakana kung bakit ako ang nagbabantay kay Alvin. Loko talaga ang dalawang ito.
"Naaawa kasi ako rito, hindi na naaarawan at nakakalanghap ng sariwang hangin. Nakakulong lang sa aircon na kwarto nito." Giit ko.Tiningnan ko si Alvin, malungkot ang mga mata nito. Pero sa tingin ko ay may pakiramdam pa itong si Alvin, eh. Kailangan ko lang talaga mapasaya ito, at gusto ko makarinig ito ng mga magagandang salita.
Ilang saglit pa'y bumalik na si Rosette at dala ang dalawang bata. Tulad ng dati, ang dumi na naman ng mukha ni Veronica. Puno na naman ito ng tsokolate.
"Tita, Louisa, Tito Alvin!" Biglang sigaw ng dalawang bata, napangiwi nga lang ako sa tawag nila sa akin. Gusto ko pa rin ate, eh! Nagmamadaling nagmano ang mga ito sa akin.
"Ang gwapo naman ni Homer." Niyakap ko ito at sumunod naman si Veronica, "kumakain ka naman ng chocolate?" Tanong ko rito at yumakap.
"Daddy gave me." Wika ni Veronica.
"Ahh, ikaw pala ang nagbigay." Bulyaw ni Rosette at kinurot ang tagiliran ni Elthon.
"Hon, aray, a-aray."
Natatawa ako sa dalawa. Hindi parin nawala ang pagmamahalan ng mga ito. Masaya ako dahil natahimik na ang buhay ng mga ito. After all na pasakit na sinapit nila noon. Deserve nilang magkaroon ng happy ending, charoot.
Ibinaling ko ang atensyon sa mga bata, "humalik kayo kay Tito Alvin ninyo." Ani ko.
Umakyat sa couch ang dalawa at yumakap at humalik kay Alvin ang mga ito. Natawa ako ng bahagya dahil nadumihan ang mukha ni Alvin ng tsokolate sa halik ni Veronica. Kumuha ako ng panyo at nilinis iyon.
"Tita, Tito Alvin is like a robot as always." Biglang wika ni Homer. Napatingin ako kina Rosette at Elthon na pilit pinipigilang tumawa. Ako nga rin, eh. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.
"Sabi ni Mommy at Daddy, may sakit si Tito. Dapat palagi natin siyang kausapin." Si Veronica ang nagsalita. Lihim akong natuwa rito.
"'Yan ang resulta ng chocolate." Biglang sapaw ni Elthon.
"Ahh, proud na proud ka pa, ha. Iiyak na naman niyan mamayang gabi dahil sasakit ang ngipin niyan." Nanggigil na ani ni Rosette at kinurot na naman si Elthon.
"Araw, Hon, masakit na iyon, ha."
"Bakit, papalag ka?"
"Ahh, joke lang."
"Wala ba kayong plano na pakainin kami ni Alvin? Wala pa kaming meryenda, eh." Putol ka sa dalawang mag-asawa nato. Nakaka-inggit ang mga ito. Haist, si Alvin lang talaga ang hinihintay ko! Asa ka pa Louisa! Hindi mo nga alam na mahal ka ba niya o hindi. Sa isip ko.
"Aalis na ako, may business meeting pa akong pupuntahan." Tumayo si Elthon at humalik ito kay Rosette at sa dalawang bata, "Louisa, alis na ako." Paalam nito sa akin.
"Sige." Ani ko nalang.
Bumalik ang tingin ko kag Rosette na inihatid ng tingin ang asawa nito sa palabas ng bahay.
"Hoy, babalik pa ang asawa mo, pero itong mga hayop sa tiyan namin ni Alvin kapag mamatay to hindi na maibabalik." Natatawang wika ko kay Rosette.
Natawa ito at tumayo. "Halika punta tayo sa kitchen. Nag-bake ako kanina."
"Ayy, gusto ko 'yan!" Excited kong sigaw. Pinatayo ko si Alvin at inilalayan ko itong maglakad papuntang kitchen. Ang dalawang bata naman sumunod lang sa amin. Nauna si Rosette sa aming lahat.
Nang makarating kami sa kitchen ay napamangha na naman ako. Ang daming gamit, ang lawak ng kitchen at ang linis. Pangarap ko talaga ito kapag nag-asawa ako.
Umupo kami ni Alvin at pinagmasdan ko lang si Rosette na naghihiwa kung ano ang ginawa nito kanina. Ilang saglit pa'y inilapag na nito ang isang whole cheese cake. Agad akong natakam!
"Ito platito ninyo ni Alvin." Tig-iisa kami ni Alvin ng platito at kasunod nitong binigay ang dalawang tinidor.
"Salamat." Wika ko at agad kong kinuha ang dalawang slice. Nilagay ko ang isa sa platito ni Alvin.
Kakain na sana ako ngunit mabilis akong napahinto. Tangna! Hindi pala marunong magsundok itong si Alvin.
"Ito juice ninyo." Ani ni Rosette. Bigla akong nahiya rito, napaka-maasikaso.
"Salamat, Rosette, ha."
"Ay sos! Wala 'yon, pamilya namin kayo." Nakangiting wika nito at inasikaso na niya ang mga anak.
Ako naman ay sinusubuan ko si Alvin. Napalunok na naman ako ng laway ng makita ang leeg niya kung paano lumunok. s**t! Bigla kong naalala ang pinagsaluhan namin kagabi. Napailing ako, jusko! Kinakabahan ako baka maulit na naman iyon!
Nauna kong pinakain si Alvin at nang matapos ito ay ako naman.
Unang nguya ko palang ay napapikit ako sa sobrang sarap. Kumikislap ang mata ko dahil ngayon lang ako nakakain ulit ng cheesecake.
"Nagustuhan mo?" Biglang tanong ni Rosette sa akin. Na kasalukuyang sinusubuan si Homer.
"Oo, sobrang sarap nito." Masayang wika ko, "oy, turuan mo ako nito." Suyo ko. Gusto kong matuto gumawa ng mga cake. Si Mommy kasi hindi mahilig magluto kaya lumaki akong walang alam sa kusina.
"Hayaan mo ibibigay ko saiyo ang recipe na ito, kung!" Napahinto at loka-lokang ngumiti, alam kong may pinaplano na naman ang gaga!
"Kung? Oy ayusin mo iyang kung mo, ha. Alam kong may binabalak ka." Ani ko rito.
"Kung mapapangasawa mo si Alvin." Natatawang wika nito. Agad namang napakunot ang noo ko, what if kung hindi ko mapapangasawa si Alvin, abir?
"Ang daya mo naman, Rosette, hirap din ng kondisyon mo noh?"
"Ganito kasi 'yon, kang Mommy Veron ang recipe na ito. Dapat daw ay para sa pamilya lang ito." Ani nito.
Dismayadong sinimangutan ko ito, kaya pala masarap, kay Señora Veron pala galing.
"Paano kung hindi kami magkatuluyan ni Alvin?" Giit na tanong ko. Possible rin 'yon. Wala naman kasi itong feelings sa akin.
"Edi walang recipe." Pang-aasar niya sa akin.
"Haist, ang daya."
"Alam mo, walang impossible. At sigurado akong kayo ang magkakatuluyan ni Alvin. Napaginipan ko." Seryoso nitong wika.
Sinimangutan ko ito ng mukha. Nag-pout pa ako ng aking labi! Sana nga ay magdilang anghel ang gagang ito. At sana totoo ang panaginip niya dahil masakit kayang umasa.
Lovelotz???