RATED-18 *******************†**************************** Alvin's POV NAGISING ako sa sobrang sakit ng ulo ko! Hindi ko alam basta ganito na ako pagising. Ang dilim ng buong paligid at tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay ilaw sa room ko. Anong nangyari? Tila matagal akong natulog. Ang huli kong naalala ay... Hindi maaari, kailangang mapigilan si Anna! Sa isip ko. Hindi puwedeng masira ni Anna ang pamilya na meron kami. Nagsisisi ako dahil binigyan ko siya ng pagkakataon! Napabangon ako at napadungaw sa buwan ang ganda niyon. Sandali ko lang iyong tiningnan at bumalik sa pagkakahiga sa tingin ko ay para akong hinila na naman ng antok kaya natulog ako ulit. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Maaga akong naligo. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad akong umalis. Wala pa