Chapter One- The Arrogant guy

1541 Words
“Aba Inay kaarawan ko na po sa makalawa. Payagan mo na po ako makaluwas ng Manila.” Naglalambing na paki-usap sa Ina. “Aba ang batang ito hindi ka naman namin inoobliga na magtrabaho.” Tila nagdadamdam na wika ng Ina. Habang nililinisan ang mga isda na gagawing daing. “Sige na Inay para naman po makatulong ako sa pang araw-araw nating pangangailangan.” Lumapit sa Ina at kiniliti ito sa tagiliran na siya namang nagpangiti kay Aling Sally. “Sige na mamaya pagdating ng Itay mo sasabihin ko ang pagluwas mo ng Manila.” “Naku salamat po Inay. Mahal ko po kayo ni Itay.” Sabay yumakap sa matanda hinalikan ito sa pisngi. “Ay! Sus, sige na tingnan mo sa pangpang baka nand’yan na ang tatay mo.” “Opo Inay.” Maikling tugon niya. Lakad-takbo ang ginawa ni Anya para makarating sa baybayin at hinihintay ang pagdating ng kanyang ama. Dito pinanganak si Anya ang nag-iisang anak nina Sally at Edgar sa isang isla ng Puerto Galera kung saan masaya at kontento ang buhay nila kahit sa simpleng pamumuhay na meron sila tanging si Anya ang nagpapasaya sa mag-asawa. “Sana pumayag ang Itay,” kausap ang sarili habang nagtatampisaw ng paa sa dagat. Nang biglang nabangga niya ang isang lalaking nasa 5’10 ang height. “Aray! Sino ba kasi...” Natigilan siya ng makita ang mukha ng binata nakakunot ang noo at halatang nairita sa kanya. “Hoy! Madungis na babae kung nagpapapansin ka sa ‘kin pasensya ka na hindi ikaw ang tipo na magugustuhan ko.” Sabay talikod niya sa dalaga at naglakad na parang pagmamay-ari ang isla. “Hoy! Aba... sino naman kaya ang aroganteng lalaking iyon.” Naiinis niyang sabi habang nakatingin sa papalayong binata. Maya-maya pa muli niyang itinuon ang mata sa pangpang. At naulinagan niyang paparating na ang ama. “And’yan na ang tatay. Itay, itay...” kumakaway habang tuwang-tuwa na makita ang ama na paparating. “Anak, Bakit ka narito?” Nagtatakang tanong niya sa anak. “Basta Itay may sasabihin ako sayo mamaya.” Nakangiting sabi niya. “Hala, sige. Anak pakidala ang sagwan ko. At paroroon pa ako kay Tiyo Pedring mo para mapakilo ang nahuli kong isda.” “Sasamahan na lang kita Itay.” Giit niya. “Wala naman po ako gagawin.” Dagdag pa niya. Walang nagawa ang matanda kundi pumayag dahil nauna na itong lumakad bitbit ang isang balde na puno ng isda. Parang batang naglalakad ang dalaga patungo sa bahay ng Tiyo Pedring niya. Pagdating nila sa talipapa ‘ika pa sa salitang Mindoro. “Konti lang ‘yan bayaw, mahina pakuha ng isda ngayon.” Ani Edgar. “Ayos lang ‘yan, Oh! Kuya Edgar magbi-birthday na pala ang unica hija mo. Ano naman ang ihahanda ninyo?” May pagmamaliit na tanong nito. “Naku bayaw pansit at tinapay lang siguro, gawa ng wala naman kwarta para magpa-bongga pa ng birthday. Ang maidaos lamang.” May lungkot sa tinig ni Mang Edgar habang nagsasalita. “Hay! Naku Kuya masyado n’yo kasing benebeybe si Anya pag-asawahin mo ng mayaman para naman guminhawa buhay ninyo. Katulad ng ibang kababaihan dito satin.” Naiiritang wika ng kapatid na si Edna. “Oo nga bayaw, hindi na umusad pa ang buhay n’yo. Dapat turuan n’yo si Anya mamingwit ng mayayaman na turista dito sa isla. Naku! Marami riyan.” Natatawang sambit nito. “Sige na anak, mauna ka na at baka nag-aalala na ang Nanay mo.” “Sige po Itay.” “Siya nga pala bumili ka na ng bigas at kape.” Naawang tiningnan ang anak habang papalayo. “Bayaw, Edna sana man lang maghinay-hinay kayo sa pananalita lalo na’t nakaharap ang pamangkin n’yo. Oo mahirap lang kami pero ipinagpapasalamat ko na ‘yon sa may likha kasi masaya kami kahit sa simpleng buhay na meron kami.” Walang atubili na umalis si Mang Edgar sa harap ng mag-asawa. Nakangiti pa rin kahit mabigat ang loob sa tinuran ng dalawa. Lalo na kay Edna na kanyang kapatid. Lumipas ang ilang araw kaarawan na ni Anya at dumating ang kanyang tiyahin na may kasamang lalaki ang wari niya ay nakita na niya ito nung isang araw sa may dalampasigan. “Tama s’ya nga ‘yon.” Sambit niya. “Ate Sally nasaan ga si Kuya?” “Ah eh, nand’yan lamang iyon kanina. Bakit ga?” “Gusto ko sanang ibenta ang lupa ng magulang namin para na din sa inyo ‘yon Ate Sally.” Giit nito. Nagulat si Aling Sally sa binigkas ni Edna. Bakit naman ibebenta eh doon sila nakatira. Nasa isip ng matanda, ito na lang ang ala-ala ng magulang sa kanyang asawa ni minsan hindi sumama ang loob nito dahil mas malaki ang nakuhang lupa ng kapatid na si Edna. Sa isip na lang ni Aling Sally sinabi ang lahat ng iyon para wala na lang gulo. “Kuya para sa inyo din ‘yan handang magbayad ng malaking halaga ang bibili ng lupa natin. Para kay Anya baka gusto ng bata mag-aral ulit. Pag-isipan mo Kuya ang lahat ng sinabi ko sayo.” Pangungumbinsi ng kapatid. Ngunit di alintana sa tatlo na ang kasamang lalaki ni Edna desidido ito na bilhin ang lupa nila. “Anak halika na sa loob baka luto na ang pansit na niluto ng Nanay mo.” “Opo Itay susunod na po ako may pupuntahan po ako sandali.” Nakangiting turan niya dito. Hindi niya pinahalata na susundan niya ang aroganteng lalaki na gustong bilhin ang kanilang lupa. "Hoy! ikaw mayabang na lalaki...." hinihingal habang hinahabol ang binata. "Aba talagang hindi ka humihinto sa paglalakad ha!" Nakakita siya ng tuyong kahoy at binato niya ito sa likod. "Aray!" galit na sabi niya. "Bakit ba madungis na babae..." Nanggagalaiti niyang sigaw. Halos tirisin na niya ang dalaga ng makalapit siya rito. "Bakit ba interesado ka sa lupa namin?" nakapamewang niyang tanong. "Eh... sa gusto ko bakit ba...at tsaka ano ang pakialam ko sayo babaeng madungis." Tinulak ni Theo ang dalaga, sa inis naman ni Anya sinipa niya ang tuhod nito at tumakbo ng mabilis nang nasa malayo na muli siyang humarap sa lalaki, inasar pa niya ito. "Mabuti nga 'yan sayo. hmm! kala mo kung sino." Saka tinuloy ang pagtakbo pabalik ng kanilang bahay. Paika-ika si Theo bumalik sa lodging house na kanyang inupahan. "Pambihira naman ang babaeng 'yon ang lakas ng pag-kakasipa sa akin parang kabayo." Ngitngit niyang sabi. "Whoa! grabe nakakapagod... akala ko susundan n'ya pa rin ako dito." Napangiti na lang siya ng maalala ang mukha ng lalaking sinipa niya. "Ang tagal mo naman anak, saan ka ba galing?" "Naku ang inay talaga. dalaga na ho ako bente anyos na nga po ako, ‘wag mo na ako masyadong benebeybe." Nakatawang sabi niya. "Anak gusto mo bang mag-aral ulit?" tanong ng nanay niya. "Huwag na po inay, okay lang naman po sa 'kin kahit hindi ako nakapagtapos ng high school. mahihirapan po si Itay paghatid sakin sa kabilang baryo." Umiiyak si Mang Edgar dahil sa awa sa anak dahil sa hirap ng buhay hindi niya ito napagtapos ng pag-aaral kaya naman maging ang kanyang kapatid ay napakababa ng tingin sa kanila. Ngunit isa lang ang gusto niya ngayon lilipat na lang sila sa kabilang isla na malapit sa eskwelahan at ibebenta na lang niya ang lupa na pinamana ng kanyang mga magulang sa kanya. "Itay 'wag ka na pong malungkot masaya naman po ako kahit pansit at tinapay lang ang handa ko. Payakap nga po ako sa inyo ni Inay. Oh! kantahan n'yo naman ako ng happy birthday." Paglalambing niya sa dalawang matanda. Pagkatapos ng kanilang salo-salo tinawag ng dalawang matanda si Anya sa labas ng kanilang bahay at naupo sila na nakaharap sa dalampasigan. "Anak napag-usapan namin ng Inay mo sa darating na pasukan babalik ka sa pag-aaral kahit mahirap itataguyod na kita para makapagtapos ka ng pag-aaral, para kung mawala man kami sa mundo may Edukasyon kami na maipapamana sayo. Pagpasensyahan mo ang tatay kung bakit ka natigil sa pag-aaral." Madamdaming sabi niya sa anak. Kinabukasan maagang umalis ang mag-asawa para maghanap ng lugar kung saan sila lilipat subalit sa 'di inaasahang subasko hindi pa nakakabalik ang mag-asawa. hapon na ngunit wala pa ang mag-asawa. Lubos ang pag-aalala ni Anya sa dalawa kaya tumungo siya sa baybayin kita niya ang malalaking alon na patuloy na humahampas sa dalampasigan. "Sana naman makauwi ng ligtas sina Itay at Inay." taos puso niyang dalangin. Hindi pa rin siya mapakali kaya pumunta siya sa kanyang Tiya Edna. "Tiya Edna, tiya..." "Bakit ba? tulog ang Tiyo mo kaya 'wag kang sigaw ng sigaw d'yan." "Pagpasensyahan n'yo na po ako, nag-aalala na kasi ako kila Itay at Inay hindi pa sila nakakabalik buhat sa kabilang isla Tiya!" "Bakit! ano naman magagawa ko ha! sa laki ng alon na 'yan malamang nalunod na ang mga magulang mo." Panunuya nito. Hindi napigilan ni Anya ang mga luha na hinihilang bumagsak tumakbo siya palayo sa lugar na iyon. Sa sama ng loob para sa tiyahin hindi na niya napigilan ang pag hagulgol. Magdidilim na naroon pa rin si Anya sa baybayin. Nang may magdatingan na mangingisda. Umasa siya na isa ang mga magulang niya sa mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD