* * Rafael's POV * *
"Rafael, how are you? Where are you now?" bungad ni Dad sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. Malamang ay nakarating na sa kanya ang balita na natuntun na naman kami ng mga kalaban kung saan kami pinatago ni Briar.
"I'm good, and I'm okay, Dad. Ikaw, nasaan ka? Ako na lang ang pupunta sa'yo," seryoso kong tanong. Hindi ko kasi alam kung nasaan siya, dahil tulad ko, paiba-iba rin ng lugar si Dad. Pareho kaming hinahabol ng mga kalaban, pero hindi kami magkasama sa iisang lugar para mahirapan ang mga kalaban na malaman kung sino sa amin ang uunahin nilang hanapin.
Kampante naman ako sa lagay ni Dad dahil kahit hinahabol siya ng mga kalaban, sandamakmak din kasi ang mga armadong tauhan niya, na puro magagaling din sa pakikipaglaban.
"Nandito ako, Rafael, sa mansyon sa Manila," sagot niya sa akin.
"What? Bakit ka nandiyan, Dad? Alam mo naman na 'yan ang unang pupuntahan o babantayan ng mga kalaban natin. What are you doing there?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Don't worry, son. Naligpit na ng mga tao natin ang mga nakaabang dito. Dumiretso na lang kayo ni Briar dito, at sabihin mo na lang kung nasaan kayo ngayon para mapuntahan ko kayo ng ibang mga tao natin," seryoso niyang sabi sa kabilang linya.
"Nasa daan kami ngayon ni Briar. Hindi na kailangan, Dad, dahil malapit na rin naman kami sa Manila. Papunta na kami diyan," sagot ko rito.
"Are you sure na hindi mo na kailangan ng tao, Rafael? Baka mamaya mabulaga na naman kayo ng kalaban," Dad said.
"No need, Dad. I can handle it. Just wait there at malapit na kami ni Briar d'yan," seryoso kong sagot.
"Good, son, dahil may mahalagang pag-uusapan din tayo. So, ingat kayo ni Briar," sabi ni Dad, at tinapos ko na ang tawag.
"Anong sabi, Lord?" agad na tanong sa akin ni Briar matapos ang pag-uusap namin ni Dad.
"Sa Manila tayo, Briar. Sa mansyon. Nando'n daw si Dad," walang kabuhay-buhay kong sagot kay Briar, at agad naman niyang pinaliko ang sasakyan papunta sa mansyon namin sa Makati, Manila.
"Good evening, young lord," sabay-sabay na bati sa akin ng mga tao ni Dad habang nakayuko pa ang mga mukha nila sa akin. Si Briar naman ay nasa likod ko lang, nakasunod.
"Where's Dad?" tanong ko sa lahat.
"Oh, son, nandito ka na pala," boses ni Dad mula sa taas ng hagdan kaya napatingala ako sa kanya habang pababa siya sa malawak na hagdan, kasunod din niya ang ama ni Briar.
"Magandang gabi sa’yo, young lord," bati naman sa akin ni Ernest, ang ama ni Briar. Tumango lang ako bilang tugon, at agad na pumunta sa likod si Mang Ernest, pasimpleng tinapik sa balikat ang kanyang anak na si Briar.
"So, how are you, son? Kamusta ang pakikipaglaban?" nakangiting tanong sa akin ni Dad habang nakahawak siya sa may kanang balikat ko.
"Sisiw, Dad," tipid kong sagot na may halong konting pagmamayabang, pero 'yun naman talaga ang totoo—ang ganong laban ay sisiw lang sa amin ni Briar.
"Yan ang anak ko, ganyan dapat ang susunod na mafia lord," proud na sabi ni Dad, sabay tapik sa balikat ko ng dalawang beses.
"Ano ang susunod na plano, Dad? Or should I say, saan mo ulit ako itatago? Kasama si Briar?" seryoso kong tanong.
"Saka na natin 'yan pag-usapan, Rafael. Ang mabuti pa, kumain na muna tayo dahil nagpagawa ako ng handa kay Nanay Esme mo," he said.
Ang tinutukoy ni Dad na si Nanay Esme ay kasambahay namin sa matagal nang panahon. Mula pagkabata ko, si Nanay Esme na ang nag-alaga sa akin kaya para ko na itong pangalawang ina. Mula nang mawala si Mommy noong 7 years old pa lang ako, si Nanay Esme na ang nag-alaga sa akin. Nahiwalay lang ako sa kanya noong mag-19 years old ako dahil kinailangan akong ipadala ni Dad sa Hong Kong para sa mga training ko, kasama si Briar. And now, I’m 24 years old, at pagdating ko ng 25, maaari nang ipasa sa akin ni Dad ang pagiging mafia lord niya.
"Rafa, hijo," mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Nanay Esme nang makita niya ako. Agad ko naman siyang sinalubong dahil papalapit ito sa akin.
Si Nanay Esme ay 68 years old na, at dati rin siyang yaya ni Mommy. Kaya naman kahit nag-asawa na si Mommy kay Daddy, sumama pa rin siya kay Mommy hanggang sa ako na ang sunod niyang inalagaan.
Isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni Nanay Esme. Mula kasi nang mag-umpisang kumilos ang mga kalaban ni Dad para iligpit ako, bihira na kaming magkita dahil sa pagtatago namin ni Briar sa iba't ibang lugar.
"Mabuti naman at umuwi ka dito, Rafa. Sobrang namimiss na kita dahil mahigit anim na buwan din kitang hindi nakita. Kamusta ka na ba? Kumakain ka ba ng maayos? Palagi kang mag-iingat, huh, at lagi kitang pinagdadasal, hijo, na sana ay nasa mabuting kalagayan ka at malagpasan mo lahat ng mga panganib na darating sa’yo," umiiyak na sabi ni Nanay Esme, sabay yakap muli sa akin ng mahigpit.
"Don’t worry about me, Nanay Esme. Look at me now, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Kayo po ang mag-ingat dito dahil baka mamaya biglang sumugod dito ang kalaban ni Dad at madamay pa kayo," paalala ko sa kanya.
"Salamat, hijo, pero hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala sa’yo. Lalo pa at maraming gustong pumatay sa'yo. Kaya ang payo ko sa’yo, hijo, oras na maka-upo ka sa trono ng iyong ama, ang asikasuhin mo ay ang paghahanap ng babaeng mamahalin mo. At pag alam mong siya na 'yon, huwag ka nang magdalawang-isip na pakasalan siya para sa katahimikan at kaligtasan ninyong dalawa," payo sa akin ni Nanay Esme. Napalingon ako kay Briar nang marinig ko ang mahinang tawa niya.
"Yes, I will, Nanay Esme," mahinang sabi ko, para hindi na siya mag-alala. Sinigurado ko rin na siya lang ang makakarinig sa sinabi ko.