Maagang gumising kinabukasan si Lauren. Nakaplano na ang pupuntahan niya sa Lima. May listahan na siya ng mga tourist spots sa nasabing lugar. All she need is to use the google map to find the place and also a little bit of research on how to go there. Thanks to google map, it always made her travel easier.
Alas sais pa lang ay ready to explore na siya. Walang libreng breakfast ang tinutuluyang hotel. Pwede namang mag-order at kakain sa restaurant mgunit mas gusto niyang lumabas at maghanap ng local restaurant or maliliit na kainan to experience the local delicacies of Peru. May nakita siya sa google na isang local food chain. Dinarayo ito ng mga turista dahil masasarap nitong pagkain at mura pa. Very local ang ambiance.
Gamit ang google map ay nahanap agad ang nasabing kainan na may hindi naman kalayuan sa tinutuluyan niya.
Nag-order agad siya pagkaupo. Pinili niya iyong pagkain na hindi niya kilala. May picture naman kaya hindi siya nahirapang magdisisyon kung ano ang kainin.
"Gracias" pasalamat niya sa waiter na nagdala ng pagkain niya.
Inumpisahan na niyang lantakan ang nakahaing pagkain syempre pagkatapos niya itong picture'an.
Totoo nga ang sabi nila, Peru has the best food. Since last night, lahat ng natikman niya ay masasarap talaga.
Napangiti siya. It's a sign of a very nice day.
Una niyang binisita ang monumental Callao. Medyo dilikado daw sa lugar na ito noon. Dinarayo na ito ng mga turista ngayon dahil sa history nito at mga security guard naman na nagbabantay sa naturang lugar. Picture lang siya sandali at nag-ikot. Hirap pagsolo traveler kasi kailangan niyang pakapalan ang mukha na makisuyo sa iba para lang magkaroon ng whole body picture. Minsan pangit pa ang pagkakuha. Kaya kadalasan kundi selfie ang picture niya ay magandang picture ng lugar ngunit wala siya.
Pagkatapos mag-ikot sa monumental callao ay dumiritso na siya sa Plaza de armas at sinunod na pinuntahan ang parliament palace. Napahanga naman siya mga old spanish style na mga building. Well, Lima is nice but it's still a city. Mas gusto pa rin iyang bumisita sa mga kakaibang tourist spot. Gusto niyang pumunta sa Ica at makita ang Huachina Dunes kaso lang medyo malayo siya. She needs to travel 5 hours to go there and then rent a 4x4 type jeep to see the dunes. Ayaw naman niyang mag-isa. Next time, babalik siya at pupuntahan niya iyon.
Tonight at ten o'clock is her flight to cuzco. There are two ways to go there by plane or by bus. But she chose plane because it only takes her one and half hour to reach Cuzco. Mahaba-habang byahe naman kung by bus and since maiksi lang naman ang bakasyon niya kaya wala siyang time magbus.
Alas dos na ng hapon. Dumiritso na siya sa supermarket ng Lima. Marami daw doon mga local made products. Isa din ito sa mga dinarayo ng mga turista.
Hindi na siya nananghalin, hindi pa naman siya gutom at kung sakaling magutom man siya ay bibili nalang siya ng street food.
Nag-ikot-ikot siya sa supermarket at namangha sa mga magagandang produktong binibenta doon. Gustong niyang bilhin lahat ng magustuhan niya kaya lang ay hindi pwede, ayaw niyang magbitbit ng kung anu-ano. Dagdag bigat lang iyan sa bagahe niya.
May nakita siyang magandang keychain ay bumili agad siya pero isa lang. Nakakita din siya ng local style shirt. Bumili rin siya ng isa. Susuotin niya ito papuntang Machu Picchu.
"Gracias" sabi niya sa tindero na nagbenbenta ng parang fishball sa may kanto. Natakam siyang pinagmasdan ito kaya bumili siya. Iba ang lasa nito hindi fishball. Medyo matamis at may saffron ang sauce. Hirap idescribe dahil hindi naman siya magaling na food critic. Basta masarap siya.
Kakagatin na sana niya ang panghuling pagkain ng mahagip ng tingin niya ang mayabang na lalaki. Aba't kung minamalas ka nga naman oo. Pati dito nagpang-abot pa talaga ang landas nila.
Mukhang tumingin-tingin lang naman ito sa mga tinda. Kumbaga, sight seeing lang.
Napadako ang tingin nito sa kanya ng madaanan siya ngunit 'di siya pinansin nito. Dumiritso lang ito na para bang hindi siya kilala nito. Well, 'di naman talaga sila magkakilala pero atleast a little recognition from his face lang sana na nabangga siya nito minsan.
Ang yabang talaga. Bulong niya sa sarili.
Sinundan niya ito ng tingin. Huminto ito at tiningnan ang nakadisplay na mga damit. Matangkad ang mayabang na lalaki. May magandang pangangatawan. Siguradong sa ilalaim ng suot nitong t-shirt ay ang six pack abs. Medyo bumakat naman kasi sa suot nitong t-shirt. Ang muscles sa balikat ay halatang alaga ito ng gym at ang pwetan, man, parang perpektong pagkaukit doon.
Bigla yatang siyang naglalaway sa mayabang na lalaking iyon.
Naputol ang pag-oobserba niya sa lalaki ng makitang may babaeng pilit dumikit rito at maingat na sinusubukang kunin ang wallet ng lalaki na nakalagay sa back pocket sa suot na shorts. Mukhang hindi naman napansin iyon ng lalaki.
Napatayo naman si Lauren. Hindi niya maatim na panuorin lang ang babae sa ginagawa. Mabilis na nilapitan niya ang babae at hinila ang isang kamay nitong hawak na ang wallet ng mayabang na lalaki. Hindi naman siya nahirapang agawin ang wallet sa kamay ng babae. Kumaripas agad ang babae ng mahuli niya sa ginagawa nito.
Eksaktong nabawi niya ang wallet at nasa kamay na niya ng lumingon ang mayabang na lalaki at nanlaki ang mata ng makita siyang hawak-hawak niya ang wallet nito. Mabilis nitong inagaw sa kanya ang wallet.
"So all this time, I thought, I was the one you like but I was wrong, it was my wallet." Tiim-bagang sabi nito sa kanya in british accent.
Nag-init naman bigla ang ulo ni Lauren ng makuha ang ibig nitong sabihin. Aba 't pinagbibintangan siya nitong magnanakaw.
"Excuse me Mr. what-so-ever, I didn't steal your wallet. A woman behind you earlier was the one who tries to steal your wallet. I just ditch that thief. You better say thank you than accusing me like that." Gigil sa galit na sabi bi Lauren. Halos manosebleed na siya sa pag.eenglish para lang maparating dito ang nais niyang sabihin.
"Is that so?" Pang-aaruk na tanong ng lalaki sa kanya. Maya-maya ay ngumiti.
"This modos is quite known here so I'm not surprise if you are one because since yesterday I sense you were following me." Akusa nito sa kanya na lalong nagpainit ng ulo niya.
"Excuse me?" Maikling sagot niya na halos umuusok na ang ilong sa sobrang galit.
"Let's go to the police station." Sabi nito na luminga-linga pa na parang may hinahanap. Hinahanap yata niya ang mga nakastambay na police.
Biglang daloy naman ng kaba s akanyang dibdib. Malinis ang budhi niya na hindi talaga siya magnanakaw pero paano kunh ang lalaking ito ang paniwalaan ng mga police at makulang siya?
Nohhh, 'di pwedeng makulong siya.
Walang hiya talaga ang lalaking ito.
Mabilis pa sa alas kwatro ang takbo na ginawa ni Lauren para lang makalayo agad sa lalaki. Sumakay agad siya ng taxi at nagpahatid sa tinutuluyang hotel.
Damn, bigla siyang nakaramdam ng pagkahapo. Letseng lalaking iyon at sinira ang araw niya.
Pinagsisishan niya bigla ang pagtulong dito.
Sanay di na siya nakialam. Lesson learned.
Humiga nalang siya saglit mga one hour then aakyat siya sa rooftop ng hotel. May bar doon. May malakas na wifi doon at maraming mga travellers na nagtatambay doon. It's nice to talk to them. Marami siyang makukuhang mga tips sa pagtatravel.
Ireready na muna niya ang mga gamit dahil mamayang alas otso ay magcheck-out na siya at pupuntang airpot.