"Ano? Tama ba ang sinabi ni Martin Lauren? Buntis ka?" Sigaw na tanong ni Cecilia kay Lauren.
Tango lang ang isinagot niya sa tiyahin.
Dumapo ang isang palad nito sa kaliwang pisngi niya. Napaigik naman siya sa sakit ng pagkakasampal nito sa kanya.
Ang kanyang tiyuhin na si Leon ay galit na nakatingin lang sa kanya at pinanuod ang pananampal sa kanya ng asawa nito.
"Walang hiya kang malandi ka. Ikakasal kana at nagpapabuntis ka pa sa iba." Galit na sabi nito at hinila ang buhok.
Napaaray naman siya sa sakit ng ginawa nito. Binitiwan siya agad.
"Wala akong pakialam kung sino mang lalaki ang nakabuntis sa iyo. Ipalaglag mo iyan." Walang pagdadalawang isip na sinabi nito iyon.
Napahumindig siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na maisip nito ang pumatay ng sanggol.
Hindi niya ito sinagot. Hindi niya gagawin iyon kahit anong mangyari.
"Ipalaglag mo iyan dahil pabigat lang iyan dito. Isa pa ikakasal na kayo ni Martin ano nalang ang sasabihin ng ibang tao na nagpabuntis ka sa iba samantalang ikakasal ka na?" Dagdag pa nito.
Hindi pa rin siya sumagot. Tiningnan niya si Martin na tahimik lamang na nakatingin din sa kanya. Mababanaag sa mukha nito ang galit sa kanya.
Hindi rin nito pinigilan ang sinabi ng tiyahin na ipalaglag ang anak niya.
Si Martin ay pamangkin ni Cecilia mula sa malayong kamag-anak. Si Leon naman ang kapatid ng ama ni Lauren. Dalawa lang silang magkapatid. Naging successful si Leon samantalang ang ama niyang si Ricardo ay mahirap parin daw dahil nag-asawa ito ng parehong mahirap at iyon ang ina niyang si Nicole. Namatay ang mga magulang niyang hindi man lang umangat sa buhay. Iyon ang kwento sa kanya ni Cecilia noong nagtanong siya tungkol sa mga magulang niya. So ang mga ito nalang talaga ang pamilya niya.
Wala itong anak kaya siya ang parang anak na nito. Binigay naman sa kanya ang mga hiningi niya dito except ang kalayaan niyang pumili ng mapapangasawa niya. Iba pa rin siguro kung totoo itong magulang niya dahil may pagmamalasakit siguro ito sa kanya. Kaso hindi at ang importante lang ng mga ito ay masunod ang gusto nila.
Sana ay hindi na ituloy ni Martin ang pagpapakasal sa kanya. Dalangin niya sa isip.
Ngunit hindi niya narinig mula dito ang idinalangin niya. Disidido itong ituloy ang planong pagpapakasal nila at pagpapalaglag sa anak niya.
"Kung hindi mo ipalaglag iyan ay ako ang gagawa ng paraan para matanggal iyan." Banta ni Cecilia sa kanya.
Natakot siya sa narinig. Ano ang gagawin niya? Diyos ko tulungan mo po kami.
Natapos ang pag-uusap nila ng nagsialisan ang mga ito. Nagmamadaling umalis si Cecilia kasama si Martin.
Si Leon naman ay naiwang tahimik pero alam niyang galit ito sa kanya.
Nilapitan niya ito at humingi ng sorry. Alam niyang nadisappoint ito sa kanya.
Umigkas ang isang kamay nito at nasampal siya. Hindi pa rin ito nagsasalita at iniwan siyang hawak ang kaliwang pisngi na nasampal.
She deserved it pero hindi pa rin niya pagsisisihan ang nagawa. Kung hindi naman dahil sa mga ito na namilit sa kanyang ipakasal siya ay hindi siguro niya magawang makipagsex sa lalaking hindi niya kilala.
Feeling niya nag-iisa nalang siya. Namimiss niya ang mga magulang niya. Kung sana ay buhay pa ito ngayon hindi sana niya danasin ang ganito. Gustong tumulo ng luha niya pero pinigilan niya. Hindi siya iiyak. Dapat magpakatatag siya dahil siya nalang ang aasahan ng kanyang anak.
Kinuha niya ang kanyang bag at isinukbit saka lumabas. Bibilhin niya ang mga vitamins na nireseta ng doctor sa kanya kanina. Buti nalang nafampot pa niya ito bago siya kaladkarin ni Martin palabas ng hospital.
Lumabas siya ng bahay at nagtaxi lang siya papunta sa pinakamalapit na pharmacy. Binili niya lahat ng vitamins para sa baby niya. May binili rin siyang medyo may kamahalan na gamot na ang sabi ng pharmacist ay pampakapot daw iyon. Nakalagay naman sa reseta kung ilang beses niya itong inumin. Pagkatapos bumili ay dumaan siya sa market para bumili ng prutas. Kailangan niya iyon para sa baby niya.
Bigla siyang naglaway ng makita ang papaya. Kaya pala kain siya ng kain ng papaya dahil buntis na pala siya. Medyo naduduwal siya minsan pero hindi naman malala kaya siguro hindi niya napansin na buntis siya.
Pagkatapos mamili ay bumalik na siya sa bahay at nilantakan ang biniling papaya at ibang prutas.
Gabi ng makabalik sa bahay si Cecilia. Pagkatapos maghapunan ay binigyan siya nito ng tableta. Inumin daw niya iyon para sa bata. Dalawang maliit na puting tableta ang ibinigay sa kanya at baso ng tubig. Hindi sinabi nito kung vitamins ba ang tabletang iyon o pampalaglag ba.
Hindi niya kinuha. Hindi niya iinumin iyon.
Biglang nagalit naman si Cecilia sa ginawa niyang hindi pagsunod sa utos nito.
Kinuha nito ang tableta at tubig at inilagay sa palad niya.
"Inumin mo iyan at huwag mo akong piliting pilitin kang ipainom sa iyo iyan." Galit na banta nito sa kanya.
So pampalaglag na tableta ang ibinigay nila sa kanya. Kahit anong mangyari ay hindi niya iyon iinumin.
"Inumin mo 'yan Lauren." Matigas at puno ng awtoridad na sabi ni Leon. Ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya ito susundin.
"Matigas talaga ang ulo mo ha. Leon tulungan mo nga ako." Utos ni Cecilia sa asawa.
Agad na tumalima si Leon at nilapitan siya. Alam na nito ang ibig sabihin ni Cecilia. Pipilitin siya nitong inumin ang gamot.
Hinawakan agad siya ni Leon sa magkabilang balikat at inipit sa upuan. Hindi naman siya makagalaw. Nashock siya sa ginawa ng mga ito. Hinawakan ni Cecilia ang bibig niya at pilit na ibinuka at pilit na ipinasok ang dalawang tableta. Nagtagumpay itong napasok sa bibig niya kaya pinilit na nitong painumin siya ng tubig. Muntik na siyang mabilaukan sa tubig at tableta sa bibig niya ngunit ubod lakas niyang idinura ang laman ng bibig niya sa mukha ni Cecilia.
Napatda naman ito sa ginawa niya at ubod lakas na sinampal siya at sinabunutan.
"Walang hiya ka, walang utang na loob." Galit na sabi nito na pinagsasampal siya.
Hindi siya umilag bagkos tumayo siya at hinarap ito.
"Isa pang pamimilit niyo sa akin na ipalaglag ang anak ko ay kakalimutan ko ng tuluyan ang utang na loob ko sa inyo sa pagkupkop n'yo sa akin. Hindi n'yo na ako makikita kahit kailan. Sinunod ko ang gusto niyong pakasalan ko si martin kahit hindi ko gusto pero not when it comes to my baby. Hindi ko kayo papayagang ipalaglag ang anak ko." Galit na banta niya rito.
Hindi naman ito nakapagsalita sa narinig mula sa kanya. Pati si Leon ay tahimik lamang na napaupo sa upuan.
Galit na iniwan siya ni Cecilia at dumiritso sa kwarto. Maya-maya ay sumunod naman si Leon.
Samantalang naiwan siyang hinihingal pa sa nangyari. Hindi niya akalain na magagawa ng mga ito ang ganoong karahasan sa kanya.
Nagpupuyos siya sa galit sa mga ito. Gusto niyang lumayo sa lugar na ito ng mga oras na iyon pero saan siya pupunta? Anong magiging kahihinatnan nilang mag-ina kung aalis siya sa poder ng tiyuhin sa ganitong kalagayan niya at kahit pa saan siguro siya pupunta ay mahahanap at mahahanap pa rin siya ng mga ito. Mahirap pa namn maghanap ng trabaho ang buntis. Graduate siya sa kursong BSBA pero hindi pa siya nakapag-apply dahil aasikasuhin daw muna niya ang pagpapakasal kay Martin. Dami siyang ginawang dahilan para madelay ang engagement nila ngunit desidido talaga ang mga itong ituloy kaya nagset na naman ito ng date ng engagement nila and that will be next Saturday.
Hindi pa niya alam kung matutuloy ang engagement dahil sa pagkabuntis niya or hindi. Hindi pa nagkumpirma si Martin. Sana lang ay hindi na nito ituloy ang balak.
Sana.