Carmella Mabigat ang katawan nyang bumalik sa Del Castillo matapos ang nangyari noong isang araw. At alam nyang marami pang ganoong eksenang mangyayari kung hindi pa sya aalis sa Del Castillo Resorts. Pero hinde, pinangako nya sa sarili na tatapusin nya ang sinimulan sa Del Castillo Resorts at tulad ng plano aalamin parin nya ang katotohanan na nais nyang malaman. May dalawang linggo pa sya para manatili sa Del Castillo Resorts at kung matapos ang panahon na yon at wala paring sagot na makita, susubukan nyang itanong muli sa kapatid ang nangyari noon. Lalo na ngayon dahil na i-involve ang damdamin nya kay Aiden na pinipilit nyang iwaksi, pero sa tuwing nakikita nya ito ay hindi maiwasan ang sariling damdamin. Alam nyang mali at hindi sya pwedeng magkaroon ng ano mang damdamin kay Aiden. d