Hindi nya alam ang gagawin habang nanatiling nakamata kay Aiden sa di kalayuan, alam nyang hindi sya nagkakamali ang lalaking nakikita nya ngayon at ang lalaking nakita nya sa Tragora Mall ay si Aiden.
"Bumalik na sya" bulong nya.
"Aiden is back for good" narinig nyang tinig sa di kalayuan napalingon sya doon at nakita ang babaing nakabunggo nya sa Mall na kasama ni Aiden noon, kausap ang may edad na babae na kung hindi sya nagkakamali ito ay si Mrs. Del Castillo.
"Yes Tita, ewan ko ba dyan kung bakit gustong-gusto nyang umuwi dito" maarteng sabi ng Babae. Nanatili sya sa kinauupuan habang pinaglilipat-lipat nya ng tingin kay Aiden at sa dalawang nag-uusap malapit sa kinauupuan nya. Napasulyap sa kanya ang babae at kumunot noo nito ng makita sya. Mabilis syang nag-iwas nag mukha at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo at mabibilis ang ginawang paglakad palayo sa mga ito bigla syang malakas na bumunggo sa kung ano at muntik pa syang bumagsak sa buhanginan kundi lang may biglang humila sa bewang nya. Nanlaki ang mga mata nya makitang nakatunghay sa kanya ang gwapong mukha ni Aiden.
"Are you ok?" Tanong nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan nya. Mabilis syang nakabawi at inalis ang mga kamay nito sa bewang nya.
"Yes! I'm sorry" nakuha nyang sabihin at mabilis na linagpasan ito para maka iwas na.
"Miss wait!" Tawag nito na kinagulat nya at napahinto sa paglalakad. Nais nyang lingunin ito pero tila sasabong na ang dibdib nya sa kaba.
"You forgot something" narinig nyang muling sabi nito at napatingin sa kamay isang pares nalang pala ng sapatos ang hawak-hawak nya.
"Kainis" bulong nya at humugot muna ng malalim na hininga bago liningon si Aiden at naglakad palapit rito. Pilit nyang iniwas ang mga mata rito dahil ramdam nyang nakasunod ang mga mata nito sa kanya.
"Here" sabi nito sabay abot sa puting sneaker na madalas nyang isuot.
"Thank you" mahinang usal nya at kinuha ang sapatos mula rito.
"Do I know you?" Tanong nito na nagpa gulat sa kanya at napa angat ng mukha nakita nyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Ah... maybe not" sagot nya at ngumiti ng alanganin at mabilis na syang naglakad palayo rito. Alam nyang nakasunod parin ng tingin sa kanya si Aiden hanggang sa makalayo sya kaya halos hindi sya humihinga.
Pagdating nya sa gate daig pa nya ang hinabol ng aso sa pag habol nya sa hininga.
"Oh uuwi ka na? Ang bilis mo yata ngayon" sabi ni Mang Cesar sa kanya ng makita sya sa may gate.
"Tumawag kasi si Nanay, pinapauwi na po ako" pagsisinungaling nya at pasimpleng sinulyapan ang pinanggalingan hindi na nya nakita pa si Aiden.
"Ganoon ba mag ingat ka sa pag-uwi ah" sabi nito at mabilis na syang lumabas at sinuot ang mga sapatos at hinila na ang bike. Muli pa syang napasulyap sa may gate nagbabaka sakaling sinundan sya ni Aiden pero hindi nya ito nakita. Kumaway pa sya kay Mang Cesar bago tuluyan pinaandar ang bisikleta.
Pagdating sa bahay nagbubunganga ang Nanay nya dahil sa Ate Lanie nya. Nagsumbong daw si Mike sa Nanay nya na nakipag party ang Ate Lanie nya sa boss nito, kaya naman pinagsasabihan nya ito. Alam nyang boto na ang Nanay nya kay Mike dahil kahit papano maayos-ayos naman ang katayuan nito sa buhay, may mga negosyo ang pamilya nito at isama pa na nag-iisang anak lang ito kaya kung sakaling makakatuluyan ito ng Ate Lanie nya hindi ito mahihirapan sa buhay. Ewan nya kung anong nangyari at bakit sumama anf kapatid sa boss nito samantalang ang alam nya eh mahal na nito si Mike. Bumuntong hininga nalang sya at nagtuloy na sa pag akyat ng hagdan, ayaw nyang makisali sa gulo at ayaw na nyang malaman pa ang ano mang detalye ng gulo.
Pagdating sa silid kaagad nyang binagsak ang katawan sa kama at napatitig sa kisame at tila nakikita nya pangyayari kanina ng bumunggo sya kay Aiden at hawakan sya nito sa bewang.
"Nakilala kaya nya ko?" Tanong nya.
"Mella! Mella!" Tawag ng Nanay nya mula sa labas.
"Bakit po?"
"Lumabas ka muna dyan at ikaw na ang magluto, sumakit ang ulo sa kapatid mo!" Sigaw ng Nanay nya. Wala naman syang nagawa kaya tumayo na sya at bumaba. Alam nyang hindi maaasahan ang Ate Lanie nya pagdating sa kusina, wala naman ang Ate Joan nya namasyal daw ito kasama si Arman at ang anak.
"Hoy Mella!" Tawag sa kanya ng Ate Lanie nya.
"Bakit?" Tanong nya sabay ikot sa mga mata.
"Hindi ba't madalas kang pumunta sa Del Castillo Resort?"
"Ano naman ngayon?"
"Gaga! Iwasan mo muna ang pagpunta mo doon, dahil ang balita ko bumalik na si Aiden dito sa atin" sagot nito na nagpahinto sa kanya sa paghiwa ng sibuyas.
"Alam mo namang allergic sa atin yung bwisit na yon, baka makita ka doon at mapag buntunan kapa nya" patuloy nito
"Eh hindi na rin naman siguro nya ko mamumukhaan" sagot nya dahil yon ang inaasahan nyang mangyari.
"Anong malay mo! Alam mo namang bad boy yon baka ikaw ang mapag buntunan ng galit sa pamilya natin"
"Hindi yan, saka matagal na yon ate"
"Ah.. teka hindi ba doon mo balak mag OJT?"
"Oo" sagot nya at inayos na ang kalang na paglulutuan nya habang nakaupo lang ang kapatid at wala itong balak tulungan sya sa pag hahanda.
"Sa iba ka nalang mag OJT mahirap na"
"Ate, ano bang kinatatakot mo? Matagal na yon, isa pa baka nga hindi na tayo kilala nung tao eh"
"Hindi namamatay ang ano mang tsismiss dito sa San Miguel at sigurado akong pag nakita yang si Aiden na yan ng mga tsismosa bubuksan nanaman nila ang kwento tungkol sa atin at sa lalaking yon" sagot ng kapatid sa kanya. Alam naman nyang hindi pa nanamatay ang tsismiss sa pagitan ng pamilya nila at kay Aiden, alam nyang magpa hanggang ngayon topic pa rin ito ng mga tsismosa sa bayan nila, kahit pa sabihin limang taon na ang nakakalipas.