KABANATA CCVIII

5215 Words

[[ KABANATA CCVIII ]]   NAGTATAHULAN ang mga aso sa baba habang patuloy ang ginagawang bangayan ni Susana at Saleng. Kung kahapon payong ang pinag-aawayan nila ngayon naman ay parang tungkol sa basura; naririnig ko dahil ata sa isang kapiranggot na balat ng kendi. Nakadungaw lang ako rito sa balkunahe habang nakatingin sa kanila. Nasa harap bahay ang tatlong bakla na sila Queen A, B at C. Absent ata iyon isa o baka nasa court---hindi ko alam. Kumaway lang ako sa kanila kanina pagkalabas ko rito sa balkonahe. “Nasaan si Queen D?” Tanong ko sa kanila. “Nasa bahay nila. Nagtatago dahil hiyang hiya sa pangit niyang mukha. May malaking bukol kasi siya sa noo.” Sagot ni Queen C at nagtawanan silang tatlo. Sa kanilang apat, iyong si Queen D ang lagi nilang inaasar na parang wala lang din nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD