CHAPTER 10

1347 Words
HINDI ulit nakasabay ni Aliana si Alexander mag-agahan at tanggalian. Mas lalo siyang nainis sa lalaki. Basta na lamang siya nitong iniwan kagabi tapos ngayon ay hindi ito nagpakita. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi nitong ayaw nitong ma-involve sa mga kagaya niya. What the heck does that even mean? napipikang himutok niya habang sinububo ang isang hiwa ng beef steak. Anong babae ba ang ibig sabihin nito? Kagaya niya na hindi pang-supermodel ang mukha? O kagaya niya na isang journalist dahil baka i-tsismis niya ang buhay nito? O baka naman kagaya niya na walang alam sa kama? Sh3t! Feeling ko tuloy ang pangit-pangit ko. Tiyak, pagtatawanan talaga siya ni Jasmine kapag naikuwento niya ang lahat sa kaibigan. “Hindi ba masarap ang pagkain?” Nilingon niya si Gilbert na pumasok ng dining area. “Ha? Masarap naman. Wala namang pagkain dito na hindi masarap.” Ngumisi ito. “Para kasing galit kang nakaharap diyan sa plato mo.” “N-naku, hindi. May iniisip lang ako.” "Huwag kang mag-alala. Ayon sa weather forecast, mamayang madaling-araw, tuluyan nang aalis ng bansa ang bagyo," sagot ni Gilbert. "Ibig sabihin ba niyan, makakauwi na ako bukas?" "Yes, I believe so." Iyon lang at lumabas na ulit ito. Napakurap si Aliana. Dapat ay excited siyang umuwi. Pero may bahagi sa pagkatao niya ang nalulungkot. Ang pagpunta niya sa isla ay once-in-a-lifetime opportunity lamang. Ang makilala ang isang Alexander ay pangarap lang ng ibang kababaihan. Pero bukas, matatapos na ang panaginip niyang iyon. Babalik na siya sa dating buhay. Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot sa isiping hindi na uli niya makikita ang lalaking nakatira sa malapalasyong bahay na ito. Nang maubos na niya ang pagkain, sinimulan niyang iligpit ang mga pinagkainan pero as usual, pinigilan siya ng katulong doon kaya pumunta na lamang siya sa malaking bintana at tumingin sa labas. Umaambon na naman. Madilim ang paligid kahit tanghaling tapat pa ng mga oras na iyon. Humalukipkip siya at nanatiling nakatayo doon ng ilang minuto nang biglang may kumuha ng atensiyon niya. Sa di-kalayuan, nakita niya si Djego na tumatakbo papunta sa bamboo maze. Sigurado siyang ang robot dog ni Alexander iyon. Napatuwid siya ng tayo. Nakatakas na naman ba ito? Nilingon niya ang katulong para ipaalam ditong nakatakas ang robot na aso ng amo nito pero busy ito sa pagliligpit ng mesa. Puwede namang siya na lang ang kumuha kay Djego. Tutal wala naman siyang ibang ginagawa. Nagmamadaling lumabas siya sa side door ng bahay at patakbong pinuntahan ang bamboo maze. Nang marating niya ang entrance niyon, medyo hinihingal na siya. Hindi naman kasi siya athletic. Pahamak talaga ang aso na ‘yon! Hindi siya nagdalawang-isip pumasok sa entrance ng maze. Nakita na niya ang kabuuan niyon noong minsang gumagala siya sa second floor ng bahay at nakita niya iyon galing sa bintana. Mukhang hindi naman malawak ang maze. Hindi naman siguro siya maliligaw sa loob. Agad niyang hinanap ang robot. Kung saan-saan na siya lumiko pero hindi niya iyon mahanap. Saglit siyang huminto saka nameywang. Medyo nabasa na siya ng ambon. Bakit niya ba kasi pinapahirapan ang sarili niya para lamang sa prototype ni Alexander? Hindi naman niya problema kung mawala o masira man ‘yon. Kaya naman siguro nitong gumawa ng bago. Napabuga siya ng hangin at nagdesisyong bumalik na lamang ng bahay. Wait, saan nga ako nanggaling? Nilingon niya ang paligid. Kita niya ang tuktok ng mansion pero nakalimutan na niya kung paano makakabalik doon. “Siguro naman hindi ako aabutin ng isang oras dito,” bulong niya sa hangin at pumunta sa right side. Ilang beses pa siyang nagkamali ng nilikuan hanggang sa narating niya ang pinakagitna ng bamboo maze. Agad siyang napatigil sa paglalakad. Alexander was standing in the middle with his back turned to her. He was looking at the gray sky and both of his arms were stretched wide as if waiting for a divine blessing. Ang weird talaga ng taong `to! Parang gusto na tuloy niyang magpasalamat na hindi siya naging genius kung ganito man lang din ka-weirdo at eccentric ang kalalabasan niya. Biglang sumulpot si Djego at mabilis na tumakbo papunta kay Aliana. “Oh my gooosh!” Napaatras siya sa gulat at takot na baka mag-iingay na naman ito ng malakas. “Play! Play!” ang tanging paulit-ulit na sabi ng robot dog. Kunot-noo naman napalingon sa kanya si Alexander nang marinig nito ang tili niya. “Why are you here?” Nanlalaki lang ang mga mata niyang napatingin sa aso na ngayon ay binabangga ang binti niya. “Don’t worry, I turned off his guard mode.” Nakahinga siya ng maluwang at tiningnan ang binata. He looked so dangerously handsome. Humapit sa katawan nito ang suot na sweatshirt at nakakaakit ang paraan ng pagbagsak ng basa nitong buhok sa mukha. Kung nasa isang romantic movie lamang siya ngayon, ito ‘yong scene na sasayaw sila sa ulan. Tapos maghahalikan. Magyayakapan… Ngunit nasa reyalidad siya. At hanggang ngayon, magkahalo pa rin ang hiya at inis niya sa ginawa nito kagabi. “Sorry, akala ko nakatakas na naman si Djego. Hindi ko alam na nandito ka pala.” Sinadya niyang palamigin ang boses saka nagsimula nang humakbang paalis. Baka isipin ni Alexander na atat siya rito dahil guwapo at mayaman ito. Baka isipin nito marupok talaga siya at easy-to-get. “Aliana…” Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya sa mababa nitong boses. Sh3t! Mukhang marupok nga yata talaga ako pagdating sa lalaking ito! Nilingon niya ang lalaki. Tinitigan lang siya nito. Matagal. Mayamaya, “Sorry about last night,” halos pabulong nitong wika. She tried to keep a straight, uninterested face. “It’s okay. Wala lang naman ‘yon.” Tumalikod ulit siya. “Bukas aalis ka na.” “Yes. Salamat sa maganda n’yong pakikitungo sa akin dito kahit trespasser lang ako.” “Ayaw kong ma-involve ka sa akin kung alam kong—“ “You don’t have to explain, Alex,” putol niya agad dito. Mas lalo lang siyang mapapahiya kung uungkatin pa nito ang ginawang pag-iwan sa kanya sa kalagitnaan ng pagniniig nilang dalawa. “No, I want you to—“ “I said you don’t have to explain!” she snapped as she turned to face him. Natigilan ito sa nakikitang galit sa mukha niya. “Sana huwag mong isipin na nagte-take advantage ako sa ‘yo,” ani nito. Gusto niyang sumimangot. Iyon na nga mismo ang issue. She wanted him to take advantage of her! She was so willing to do it. Kaso paano niya ba sasabihin iyon sa lalaki na hindi siya mapapahiya ng husto? Inis na tumalikod na ulit siya. “I know you’re a virgin. And I don’t want to take that away from you.” Natigilan ulit siya, padabog na hinarap ito. Iyon ba ang rason bakit bigla siya nitong iniwan pagkatapos siyang akit-akitin? Dahil lang isa siyang birhen? “Who are you to decide that for me?” pasinghal niyang tanong. “That’s mine to decide kung kanino ko ibibigay.” Humugot ng malalim na hininga si Alexander. Tila nahihirapan ito. “You don’t understand, Aliana. I don’t get involved in relationships. Once I take your virginity, that’s it. Bukas aalis ka na dito at hindi na tayo magkikita ulit. Gusto mo ba ‘yon?” She gritted her teeth and squared her shoulders. “Paano kung oo?” matapang niyang sabi. “F*ck!” Nakuyom nito ang mga palad sa pagpipigil. “You’re such a strong-willed young woman, Aliana. But don’t wish for something you’d later regret.” “At sinong makapagsasabing pagsisisihan ko nga iyon?” nanghahamon niyang tanong. “After all, sino ba namang babae sa mundo ang ayaw ibigay ang pagkabirhen nila kay Alexander Castillo?” Biglang nagliyab ang mga mata nito. “Kung natatakot kang ipagkalat kong pinatulan mo ang isang kagaya ko,” pagpapatuloy ni Aliana. “You can make me sign another non-disclosure agreement.” “Damn it, woman!” Inilang-hakbang lamang nito ang pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD