Chapter 1

2127 Words
DISCLAIMER: FREE ITO HANGGANG DULO. NEVER MAG-LO-LOCK. This book was first published by Precious Pages Corporation in 2016 using my second pen name with them: Aria Naval. Since this story was meant for a pocketbook, maiksi lamang po ito. Pang feel-good story lamang at hindi mabigat ang conflict. But I might revise and add some scenes para mas swak dito sa Dreame at Yugto app. I hope you'll enjoy reading! ***** . . . . . NAPASINGHAP SI ALIANA at saka mariing ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam pero parang nakikiliti siya sa ginagawa ni Alexander. Saglit na huminto ang mga kamay ng binata kaya dumilat siya at nakitang nakatunghay ito sa kanya. "Hmm... I can sense a reaction," pakutyang bulong nito. Nag-iwas siya ng tingin. Bakit pakiramdam niya, hindi lang siya nito tsine-check, kundi sini-seduce din? His hands were gentle, as if caressing her as a lover, and not as a trespassing stranger. Hanggang sa dumaan ang mga kamay nito sa baywang niya kung saan siya may malakas na kiliti. Napaliyad siya at pinigilan ang ungol na gustong kumawala sa kanyang lalamunan. Ngumisi ito sa kanya at pinagpatuloy ang pag-akyat ng mga kamay. Dumaan ang mga iyon sa gilid ng kanyang makabilang dibdib at gumalaw pa ang mga hinlalaki nito kaya’t muntikan nang masagi ang pinakagitna niyon. “S-Sir…” Bigla siyang nanginig. Naramdaman niyang napahinto ang lalaki. Nang tingnan ulit niya ay nakatingin na ito sa kanyang hinaharap. "I would really like to check that," bulong nito. ***** One Week Ago INILAPAG NI ALIANA ang hawak na magazine sa writing desk, saka humugot ng malalim na hininga. Nakabukas ang naturang babasahin sa pahina kung saan na-feature ang isinulat niyang article. Ang magazine na iyon ang isa sa pinakasikat na beauty magazines sa bansa kaya dapat lamang na matuwa siya sa pagkakataong mapabilang ang article doon. Pero para kay Aliana, nasa first stage pa lang siya ng career sa journalism. Three years na mula nang grumaduate siya ng kursong Journalism sa UP Diliman. Nakakuha agad siya ng trabaho sa isang maliit na publishing company bilang editorial assistant. Naging mabilos ang kanyang promotion. After eight months, nagkaroon siya ng regular column. And six months later, naging section editor naman. Two years nang nagtrabaho si Aliana sa publishing house na iyon nang ma-defunct ang magazine na pinagsusulatan niya. Imbes na mag-apply sa ibang kompanya, napagdesisyunan niyang maging freelancer na lamang. Marami na siyang naisulat na articles na na-publish sa iba't ibang magazines at newspapers sa bansa at maging sa Asian magazines. Nagkaroon na rin siya ng chance na mai-publish sa dalawang magazines sa Amerika. Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang mga pangarap ni Aliana. Ang pinaka-goal niya ay ang maging columnist sa mga sikat na magazine o newspaper sa buong mundo gaya ng Time Magazine, Reader's Digest, Vogue, o New York Times. Nakatira siya sa isang two-bedroom apartment kasama si Jasmine na dati niyang kaklase sa college na naging matalik na niyang kaibigan. Nagtatrabaho ito bilang editor sa isang kilalang newspaper. Kung si Aliana ay isang dakilang minimalist pagdating sa mga gamit, si Jasmine naman ay isang proud hoarder. Advantage na rin siguro sa kanya iyon dahil nakakalibre siya sa mga gamit nito gaya na lang ng microwave, refrigerator, at ang latest nitong binili na CZone robotic cleaner. Kayang magwalis, mag-vacuum, at mag-mop ng sahig ng robotic cleaner na iyon kaya nakakatipid sila ng oras sa paglilinis. Kaya abot hanggang langit ang papuri ni Jasmine sa taong nag-imbento niyon. Kung sana lang ay nakaimbento din ang kompanya ng paraan para makagawa ng world-class articles oras-oras si Aliana ay baka naging fan na rin siya ng imbentor. Muling tiningnan ni Aliana ang magazine sa writing desk bago iyon tuluyang iniligpit. Binuksan niya ang laptop at nagsulat ng update sa blog na pinagkakakitaan na rin niya ngayon. Pagkalipas ng isang oras, binuksan niya ang e-mail. May e-mail siya galing sa kilalang international magazine. Kumakabog ang dibdib na binuksan niya iyon. Last month ay nagpasa siya ng article pitch kasama ang buong article sa publication tungkol sa away ng dalawang pinakamayayamang pamilya sa Asia na kasama sa Forbes 500. Mabilis na ini-scan ng mga mata ni Aliana ang sinasabi sa e-mail, pero biglang bumagsak ang kanyang mga balikat sa nabasa. Ni-reject ang pitch niya. Huminga siya nang malalim saka tumayo para pumunta sa kusina. Nagtitimpla siya ng kape nang dumating si Jasmine. "Hi," masayang bati nito, saka inilapag ang paper bag na hawak sa mesa. "Hello," walang gana niyang sagot. "O, ba't ganyan ang hitsura mo?" Kibit-balikat na humigop siya ng kape. "Na-reject ang article ko tungkol sa Lee-Chua Feud." "Oh." Parang nadismaya din ito, pero sandali lang. Umupo si Jasmine sa isa sa mga mismatched dining chairs, saka ito ngumiti nang maluwang. "But I heard, natanggap ang two-thousand-word article mo sa publication namin." Pinaikot niya ang mga mata. "Jasmine, international newspaper `yong pinag-uusapan natin dito." Humalukipkip ito. "So you mean, hindi importante ang newspaper namin?" "Of course it is! It's just that..." Humugot siya ng malalim na hininga. "Alam mo naman ang mga pangarap ko, 'di ba?" Tumango-tango si Jasmine. "Yes. You want to be known globally. The great Aliana Funelas." Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang hinahawakan ang pangalan na iyon sa ere. Ngumiti siya nang tipid. "I want to be the best." “Eh, bakit ba kasi hindi ka na lang mag-apply ulit as regular staff sa mga publishing house? `Pag naging editor-in-chief ka na, mas marami ka nang koneksiyon. Mas madali ka nang matanggap sa mga international publishing." Pinaikot niya ang mga mata. "Kailan naman kaya ako mapo-promote bilang EIC? It would take years and years." "We're still young. You don't have to do everything right now. I-enjoy mo muna ang buhay mo kaysa nai- stress ka sa mga ganyan." Umiling si Aliana. "No. Ito ang buhay ko. Alam kong ito ang purpose ko. At hindi ako matatahimik hanggang sa maabot ko 'yon." "Bahala ka nga sa buhay mo." Kinuha ni Jasmine ang paper bag at saka may inilabas na box. "Ano `yan?" "Bumili ako ng latest product ng CZone," sagot nito na ang tinutukoy ay ang sikat na kompanya ng mga gadget at appliances. "Ito 'yong C-Glasses. 'Yong sunglass na may earphones. `Tapos nababasa ng sunglasses ang mood ng mga mata mo at kusa na siyang magpe-play ng mga kanta na naaayon sa mood mo." Umingos siya. "Alam mo kung ano ang downside sa C-Glasses na 'yan? Kung malungkot ka, malulungkot na music din ang ipapatugtog. Eh, di lalo kang made-depress no'n!" "Ito naman, binabasag mo naman ang trip ng mga emo, eh," natatawag sabi ni Jasmine, saka inilabas sa box ang sunglasses. Simple lang ang packaging ng produkto. Plain black na may nakasulat na C-Glasses sa labas at ang pangalan ng kompanya. "Sabi sa advertisement, puwede naman daw manual ang pagpili mo ng kanta kung gusto mo." "Eh, di sa cell phone na lang ako makikinig ng music!" "Ano ka ba? Ito ang trend ngayon. Maganda rin naman ang quality ng sunglasses. Puwedeng ipanghilera sa Ray-Ban. Saka imagine, para ka na ring nanonood ng movie sa totoong buhay. Kung mag-away kami ng boyfriend ko, biglang may background music," tatawa-tawang paliwanag ni Jasmine na animo saleslady na binebentahan siya ng produkto. "Ewan. Parang sayang pa rin ang pera mo diyan." "Sinusuportahan ko lang din naman ang CZone. Proud ako na ang isa sa pinakakilala at malaking kompanya sa buong mundo ay Philippine-made." "Kunsabagay..." sang-ayon na lang niya para matahimik na ang kaibigan. "Hay... kung makikilala ko lang talaga si Alexander Castillo, puwede na akong mamatay." Nangalumbaba si Jasmine at tumingin sa kawalan na parang nag-i- imagine. Si Alexander Castillo ang founder ng CZone. Isa ring sikat na inventor, innovator, at robotics engineer. Wala masyadong nakakaalam sa background ng lalaki dahil two years lang matapos nitong maitayo ang kompanya, naging reclusive na ito. Four years na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas sa publiko si Alexander. May mga nagsasabi na nagkukulong ito sa mansiyon nito sa gitna ng isang isla. May mga nagsasabi na may nakakahawa itong sakit kaya hindi na nagpapakita. Mayroon ding mga extreme ang paniniwala na isa raw itong bampira kaya nagtatago kapag umaga. Sa ngayon, may mga international publication na handang magbayad ng hanggang kalahating milyong dolyares kung sino man ang makakakuha ng picture ng lalaki sa kasalukuyan. Habang tumatagal na nagtatago ang lalaki, parang lalong naiintriga ang mga taong makilala kung sino ba talaga si Alexander Castillo—ang lalaki sa likod ng mga makabagong teknolohiya. Lahat na yata ng mga tao sa developed countries ay nagmamay-ari ng at least isang bagay na gawa ni Alexander. "Sige ka, `pag narinig `yan ni Jonas, matutupad na talaga ang pangarap mo na magamit `yang C-Glasses for background music `pag nag-away kayo!" "Sshh! Huwag kang maingay," saway ni Jasmine at pinandilatan pa siya. "Alam naman ni Jonas na siya lang mahal ko. Pero sino ba naman kasing babae ang hindi kikiligin kay Alexander?" Pinaikot ni Aliana ang mga mata. "As if naman nakita mo na siya lately. For all we know, baka ngayon, sobrang taba na no’n at puti na lahat ng buhok." "Grabe ka naman!" Umingos ito. "Pero alam mo, aminin mo man o hindi, kung ma-interview mo lang siya, o kahit siguro makapagbigay ka lang ng detalye sa buhay niya ngayon, siguradong sisikat ka talaga. Sure-way ticket mo 'yon for the international scene." Natahimik siya at nilaro-laro ng hintuturo ang bunganga ng mug niya ng kape. "How I wish mabigyan nga ako ng chance na ma-interview siya." Nagkibit-balikat si Jasmine. "Malay mo, `di ba? Anything is possible." Isinuot nito ang C-Glasses at iniba na ang topic. "Nag-dinner ka na ba? Tara, labas tayo. Treat ko.” ***** SA LOOB ng tatlong araw, naglalaro sa isipan ni Aliana ang sinabi ni Jasmine. Ano nga kaya kung makagawa siya ng article tungkol kay Alexander Castillo? Siguradong walang magazine o diyaryo ang tatanggi sa article na iyon. She could demand any price for that article, and she would get the attention of the international publication companies. Pero ni hindi niya alam kung saang sulok ng mundo nagtatago si Alexander, paano pa kaya ang pagpaplano kung paano makapasok sa teritoryo nito? Hindi siya marunong umakyat ng matataas na pader kung kakailanganin. Wala siyang skills sa ganoon. But then... ano nga ba ang hindi niya kayang gawin for the sake of her career? May binangga na siya noon na isang kilalang personalidad sa Pilipinas nang ilabas niya ang itinatago nitong baho. Kakatapos lang mag-update ni Aliana sa blog niya nang maisipang mag-surf muna sa Internet. Nag- research siya tungkol sa kompanyang CZone. Wala pa siyang definite na plano, but if she needed to start somewhere, she would at least need to familiarize herself with the company that Alexander founded. Pinuntahan niya ang About the Company section ng website ng CZone. Doon niya nakita ang profile ni Alexander at ang picture nito na kuha pa noong unang taon na itinayo ng lalaki ang kompanya. Sobrang iksi lang ng description na nakalagay tungkol dito. Wala siyang nakuhang impormasyon na bago. Humugot siya ng malalim na hininga, saka sinubukan naman ang mga press release tungkol sa kompanya. Naghanap siya ng articles na ginawa noong hindi pa naging reclusive si Alexander. Hindi niya masisi si Jasmine kung kinikilig man ito sa lalaki. Sa totoo lang, may hitsura talaga si Alexander. In fact, kung hindi mo kilala kung sino si Alexander Castillo at bigla mong makita ang picture niya, aakalain mong model ito o di kaya'y Hollywood celebrity. The guy was a hunk. Isama pa na genius ito. Isang modern inventor and innovator. Kaso nga lang, parang laging pinagsasakluban ng langit at lupa dahil sa lahat ng pictures ng lalaki, para itong namatayan. Hindi man lang ito marunong ngumiti kahit pakitang-tao lang man sana. "Kung ganyan ako kaguwapo at kagaling, hindi ko na rin iisipin kung ano ang sasabihin sa akin ng mga tao, ‘no!" sabi ni Jasmine noong napag-usapan nila iyon dati. Napatuwid ng upo si Aliana nang may mapansin sa karamihan ng mga picture ni Alexander. Laging kasama sa likuran nito ang isang lalaking sa tantiya niya ay nasa forties and edad. Laging nakasuot ng suit ang lalaki at pormal na pormal ang hitsura. Marahil ay iyon ang assistant ni Alexander. Hanggang ngayon kaya, nagtatrabaho pa rin ito para sa bilyonaryo? Excited na nagpatuloy sa pag-research si Aliana. Wala pang isang oras ay nakuha na niya ang pangalan ng lalaki: Gilbert Baramo. Tiningnan niya ang oras sa laptop. Twelve-thirty na ng hatinggabi. Ngunit hindi pa siya inaantok. She was too excited to sleep. At sanay na rin siya na natutulog ng madaling-araw tuwing may tinatapos na project. Ilang oras siyang nakaupo sa desk habang pinaplano kung paano siya makakapunta sa lungga ni Alexander Castillo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD