Rhysdave Bumababa pa lang kami ng hagdan ni Buddy ay natanaw ko na kaagad si Reina sa living room. Tahimik siyang nakaupo sa sofa at nagpapahilot ng ulo niya sa isang kasambahay. Prenteng nakasampa din ang mga paa niya sa sofa. Ate Nena came out of the kitchen and immediately saw me on the stairs. "Oh, Rhysdave. Nandyan ka na pala. Kumain ka na muna bago pumasok sa trabaho." "Busog na po ako, ate Nena. Kumain na po ako kanina sa labas." "At saan ka naman kumain? Saan ka ba natulog kagabi?" Reina asked me. I sensed the doubt in her tone. "What about you? Saan ka rin natulog kagabi?" I asked her too. "N-Nandito lang naman ako sa bahay. Hindi naman ako umaalis!" Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Tuluyan na akong nakababa dito sa ground floor. "Reina, huwag mong gawing tanga a