Rhysdave As the days went by, Reina was getting stronger. Nakakabangon na siya at nakakalakad even without support. Pero hindi niya pa rin ako hinahayaan na mag-asikaso sa kanya katulad na lang sa paliligo niya, paggagamot ng mga sugat niya at pagbibihis. Her nurse does all that for her. Bagaman, palagi nang nasa tabi niya ngayon si Rage at kasama sa pamamahinga niya. Ako na lang or si ate Nena ang nagpapaligo, nagtitimpla ng gatas at nagsusuot ng diaper ni baby. *** LUMIPAS pa ang isang buwan ay maayos na maayos na siya, bagaman wala pa rin siyang maalala. Nagsusuot siya ng wig dahil kinalbo ang ulo niya noong maaksidente siya at bahagya pa lang tumutubo ang mga buhok niya ngayon. Maliliit na bandaid na lang din ang makikita sa mga braso niya at binti. Nakakababa na siya ng bahay.