CHAPTER 1: Enough

2055 Words
THREE YEARS AGO Rhysdave "Love?" Napakunot ang noo ko nang matanaw ko ang asawa kong si Reina na pumasok sa isang hallway. We are currently here inside the department store to shop. I'm now carrying our son who is only one year old. "Saan ba pupunta ang mommy mong 'yon?" I asked my son who was quietly sucking on his pacifier. Siyempre, hindi siya sasagot dahil hindi pa naman siya nagsasalita. Naisipan kong maglakad patungo sa hallway na 'yon upang sundan ang mommy niya. Nagtataka rin ako dahil ibang damit na ang suot niya ngayon. Masyadong sexy! Hindi kaya nag-fit siya ng bagong damit? Saan naman niya isusuot ang ganun ka-sexy? "Love, saan ka pupunta? Nakuha ko na ang milk bottle ni baby." I suddenly turned behind me when I heard her voice there. Nakita ko siyang naglalakad na palapit sa amin habang hawak ang feeding bottle ni baby na naiwan namin kanina sa children's wear department. 'Yong dating damit pa rin naman niya ang suot niya ngayon. "You're here. I thought--" Muli akong napalingon sa hallway kung saan ko siya nakitang pumasok kanina. Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit?" Tuluyan na siyang nakalapit sa amin. Inilagay niya sa loob ng bag na sakbat ko sa balikat ang milk bottle ni baby Rage. "Saan ka ba nanggaling? Parang nakita kita doon, eh." "Ha? Nandoon ang children's section, Love." Itinuro niya ang dulong bahagi nitong mall kung saan ang children's wear department. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. "Maybe I'm just imagining things." "Bakit, Love?" Napatitig naman siya sa akin. "I thought you were the girl who entered that hallway earlier." "Kasing ganda ko rin ba?" nakangiti niyang tanong habang nagpapa-charming sa harapan ko. I smiled and quickly squeezed her chin. "Of course, no one can beat you." I couldn't help but kiss her naturally red lips. She doesn't like makeup thingy. She doesn't even know how to use lipstick. Simple lamang din siyang manamit na siyang nagustuhan ko naman sa kanya. Kahit hindi siya mag-ayos ng sarili niya ay napakaganda na niya. Tama na 'yong ganyan siya para wala nang iba pang lalaki makakapansin sa kanya. Naalala ko noong ikinasal kami, doon lang siya nakatikim ng makeup at nagsuot ng isang napakagarbong gown. She was like a Goddess then and I really fell in love with her. "Pero napalingon ka pa rin sa iba. Nakita ko pa ngang hahabulin mo eh. Ang sexy siguro no'n," she said, raising my eyebrows. "Because I thought it was you," I immediately defended myself. "Hmp!" She pouted her lips na halata namang umaarte lang. "Come on. Let's go home. Baka makain pa kita dito ng wala sa lugar." "Ano?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata at bahagyang kinurot sa tagiliran. Natawa na lang ako at hinalikan siya sa sentido. Hinapit ko na ang baywang niya at iginiya na siya palabas ng mall. Hawak ko si baby Rage na ngayon ay nasa carrier na suot ko. Bitbit naman ng driver namin ang mga pinamili namin. "Do you want us to have dinner at a restaurant?" I asked her since it was already seven o'clock in the evening. "Sa bahay na lang, Love. Magluluto na lang ako." "You might be tired." "Yakang-yaka pa hanggang kama," bulong niya habang natatawa. Hindi ko rin mapigilang mangiti ng malawak sa sinabi niya. "There you go again being naughty, Love. You better get ready for later," I whispered to her while squeezing her waist. She looked up at me while biting her bottom lip, so I couldn't help but be f*****g turned on right away. "Damn, Love. You're f*****g teasing me. Hindi ka talaga makakabangon sa akin mamaya." Humagikgik naman sa kapilyahan ang mahal kong asawa. That's one of the things I love about her. Huling-huli niya ang kiliti ko sa mga style niyang 'yan. Napakasarap din niyang pagmasdan sa tuwing nakangiti siya ng ganyan. Gusto kong oras-oras ay nakikita ko ang mga ngiti niyang walang kapantay sa ganda. Dahil dyan din kasi kaya gumaganda palagi ang araw ko. We finally got out of the mall. Nauna na ang driver namin patungo sa parking lot at hinintay na lamang namin siya dito sa gilid ng mall. May ilan pa kasi kaming mga pinamili at may kalayuan ang napwestuhan ng kotse namin kanina. Punong-puno naman kasi ngayon ng shoppers ang mall na ito dahil Sunday. I accidentally looked on the right side where there were a few people waiting for cars. Nangunot ang noo ko nang matanaw ko sa kanila ang babaeng may kaparehong sexy na damit kanina ng babaeng nakita ko sa loob ng mall. I stared at her as she walked down the middle of the road to the other side. Nakatalikod ito kaya't hindi ko makita ang mukha. Ngunit ang buhok nito ay parang katulad din ng kay Reina. Wavy at may patulis sa gitna. Umabot din ang haba nito hanggang baywang katulad nang sa asawa ko. "Love, sino bang tinatanaw mo d'yan?" "Huh?" I turned to my wife who was now also looking at that place. Muli akong lumingon doon ngunit hindi ko na nakita pa ang babae. "Nothing. Mukhang traffic na. Hindi na kumikilos ang mga sasakyan." "Oo nga. Ganitong oras kasi ay uwian pa rin ng mga empleyado." "Yeah, right." Hindi naman nagtagal ay dumating na ang aming sasakyan. Huminto ito sa harapan namin at bumaba ang driver naming si Ivan. Ipinagbukas niya kami ng pinto sa backseat at ipinasok ang iba pa naming mga pinamili sa compartment. Hindi rin naman nagtagal ay bumiyahe na kami pauwi sa aming tahanan. *** "Welcome home!" Reina shouted kindly when we entered our little mansion. Buddy, a labrador, quickly greeted us. "Helow, Buddy! Na-miss mo ba kaagad kami?" she asked Buddy while gently stroking his head. Tuwang-tuwang naman ang labrador namin na brown ang color. "Buddy," tawag ko rin sa kanya habang pumapasok na kami sa loob. Ipinasok na rin ng driver namin ang mga ipinamili namin at ibinaba sa sala. Kaagad na dumamba sa amin si Buddy at dinilaan sa braso ang baby namin na kasalukuyan kong karga sa aking mga braso. "Love, magluluto na ako. Nagugutom na ba ang baby ko, hmn?" malambing na tanong rin ni Reina sa aming anak habang pinanggigilan niya ng halik ang pisngi at nguso nito. "Mom, mom momma. Momma..." sagot naman ng baby namin pero mas naaagaw ang atensyon niya ni Buddy na nagsusumiksik din sa aming gitna. "Ang galing-galing ng baby ko! Magluluto muna si Mommy." "Kaya mo pa ba, Love? Kahit 'yong madaling lutuin na lang," I told her 'coz she might be tired now. "Parang wala kang tiwala sa akin, Mister. Mabilis lang ito. Ano bang gusto mong ulam?" "Ikaw," kaagad kong sagot habang pinipigilan ko ang mangiti. Nakalabas na rin naman ng bahay ang driver namin. "Ako? Anong tingin mo sa akin, fried chicken? Adobo? Bulalo? Sinigang? Paksiw?" "Pwede rin naman. Mas maasim ka pa nga sa paksiw," I answered with a laugh. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Tse! Maliligo ako mamaya. Makita mo lang. Buddy, halika na. Tulungan mo 'ko." She immediately walked towards the kitchen. Buddy immediately followed her with his tail wagging. Nangingiti na lamang ako habang hinahabol sila ng tingin. This is how our everyday is. Masaya, puno ng asaran at lambingan. Reina and I have been married for two years, and I can say I'm very lucky to have her. She has all the qualities I look for in a woman. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil mukhang itinadhana talaga siya sa akin ni God. I met her in the building where I have an office. I'm a CPA-Lawyer. Isang araw ay may isang Ale ang napadaan doon na nagtitinda ng mga naka-plastic na mga ulam. Pinagkaguluhan siya ng mga empleyado ko kaya naki-usyoso na rin ako at naisipan ding bumili. Masarap daw kasi ang mga lutong ulam ng Ale ayon sa mga empleyado naming nakatikim na. At totoo nga ito nang matikman ko na rin. Napakasarap magluto ni Mama Rita, na siyang ina ni Reina kaya naman sinabihan ko siyang dalhan din niya kami ng iba't ibang klase ng ulam noon sa office. Nalaman ko kasing sa katabi naming building lamang siya nagdadala. The next day she came with different kinds of dishes, and Reina was with her. Siguro ay dahil sa marami na silang dalang ulam at mabigat nga naman ito kung si Mama Rita lang ang magbubuhat. Mahiyain si Reina at pino kung kumilos. When I first saw her, she damn immediately captured my heart. Simula noon ay palagi ko na siyang kinakausap at binibiro. Nawawala ang stress ko sa trabaho sa tuwing nakikita ko siya at ang mga ngiti niya. Naging inspirasyon ko na nga siya sa trabaho ko. Umaga pa lang ay hindi na ako makapaghintay sa lunch dahil bago magtanghali ay dumarating na sila ni Mama Rita. Madalas ay pinapakyaw ko na noon ang mga paninda nila. I give them out to our employees and take the rest home. Hindi ko siya tinigilan noon hanggang sa marating ko na rin ang lugar nila kung saan sila nakatira. Her father, tatay Nardo, was a tricycle driver. They used to live in a squatter area, but their house was clean and tidy. Mababait naman sila kahit na may pagka-istrikto din si tatay Nardo. At first, I knew he didn't trust me. He also said the reason and that was because of my state of living compared to them. Pero 'di katagalan ay nanalo din ako sa puso niya para sa anak niya. I did my best to win their hearts. After Reina and I got married, I moved them to a better place and a bigger house. Gusto kong maging maayos din ang kalagayan nila dahil kinuha ko sa kanila si Reina na siyang panganay nila at alam kong inaasahan nilang makakatulong sa kanila. Sa ngayon ay nagluluto pa rin si Mama Rita pero binigyan ko na sila ng sasakyan na siyang maghahatid ng mga niluto niya sa opisina ko. May mga nakakatulong na rin siya para hindi na siya nahihirapan pa. Dinagdagan ko ang tricycle ni tatay Nardo ng sampu at ipinapapasada niya ang mga ito sa ibang tao. Sa mga boundary naman siya kikita ng pera doon. Wala namang tutol din sa kanila ang Dad ko na ipinagpapasalamat ko ng sobra. My dad is also a very good and responsible father. Kaya naman nang ipakilala niya rin sa akin ang nagugustuhan niyang babae sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan ko siya. I won't stop his happiness. Tatlong taon na rin naman ang nakalilipas simula nang sumakabilang buhay ang mommy ko. Mabait din naman si Tita Beverly at wala akong masabi sa kanya ngunit may anak itong babae na hindi ko nagugustuhan ang ugali. Si Brittany. I'm a man and from the very beginning I knew her motives towards me. Kaya minabuti kong iwasan na siya kaagad una pa lang bago pa kami magkaroon ng problema ng asawa ko. "Love, halina kayo dito!" Napalingon ako sa kusina nang marinig ko na ang pagtawag ni Reina. Napansin ko namang mahimbing nang natutulog ang anak namin sa mga braso ko. Shit. Hindi ko na namalayan. "Tapos na akong maglu--oh, tulog na pala si baby." Reina came out of the kitchen and immediately approached us. Tinangka niyang kunin mula sa akin si baby Rage ngunit naalimpungatan ito at kaagad nang sumubsob sa kanyang dibdib. Tila hinahanap ang pagkain niya. "Dedede ang baby ko? Ang bigat-bigat mo na." Tuluyan na niya itong kinuha mula sa akin at ipinahiga sa braso niya upang makadede sa kanya. Marami pa ring gatas si Reina na inaalagaan niya talagang hindi maubos. Mas gusto niyang mas maraming gatas niya ang madede ng aming anak kaysa ang gatas na nabibili lamang sa labas. "Maybe he was tired too. Hindi talaga siya natulog kanina sa Mall." I gently stroked our son's head. "Tuwang-tuwa siya sa mga nakikita niya, eh." "Yeah, right. Susubuan na lang kita, Love." Nagtungo na kami sa kusina. Nakahain na kaagad sa mesa ang sinabawan niyang isda na may malunggay, samahan pa ng mainit at umuusok pang kanin. She only cooks simple but so tasty and healthy dishes. She is also a good cook like Mama Rita. Maasikaso pa siya sa amin ng anak niya kaya wala na akong mahihiling pa. She and our son are enough for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD