Queen "L-Lahat po ba ito, Ma'am?" tanong sa akin ng isa sa mga maid patungkol sa mga gamit ni Impostora na pinalalabas ko ngayon mula dito sa loob ng master's bedroom. Dalawa sila ngayong naririto sa silid kasama ko. Si Rhysdave naman ay nasa loob ngayon ng walk-in closet at kinukuha pa doon ang ilan pa sa mga gamit ni Impostor. "Yes. Itapon niyo sa kanya mismo sa baba," sagot ko sa kanila. Hindi kaagad sila nakakilos sa harapan ko at parang nag-aatubiling sundin ang ipinag-uutos ko. Bakas ang takot sa kanilang mga anyo. "Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanila. "Eh, Ma'am ... m-magagalit po sa amin si Ma'am Reina." "S-Sigurado pong palalayasin niya kami dito," sagot naman ng isa pa. "What are your names again?" "A-Ako po si Stephanie," pagpapakilala ng isang morena. "Ako