THIRD PERSON "Maraming-maraming salamat po talaga, tatay Nardo. Heto po ang bayad ko. Tanggapin niyo po ito." Naglabas ng three thousand pesos si Queen mula sa wallet niya. Itinupi niya ito bago iniabot kay tatay Nardo. "Ah, eh, kahit 200 lang, Iha. Dadalawang butas lang naman 'yang gulong mo. Pwede na itong 200." "Hindi po. Sige lang po, Tatay. Sa inyo na po 'yan. Malaking bagay po ang naitulong niyo sa akin. Makakauwi po ako ngayon ng maayos sa bahay ko." "Okay naman na 'yang gulong mo. Mukhang babago pa lang naman nabubutasan. Siguro ay nadaanan mo lang 'yan dyan sa malapit." "Oo nga po, Tatay. Dyan ko na talaga 'yan naramdaman sa malapit." "Eh, kunin mo na itong dalawang libo. Tama na itong isang libo." Tinangkang ibalik ni tatay Nardo ang dalawang libo kay Queen. "Hindi na po,