KABANATA 12 Pagkagising ni Drake, parang wala siya sa kanyang sarili at mukhang ang lalim ng iniisip dahil sa kanyang panaginip na mangyayari ngayong araw. Iyon ay ang pagsasarili ni Dan at paninilip nito sa pagtatalik nilang dalawa ni Erica. Ngayon ay nagsasarili ang kanyang kaibigan habang ginagawang unan ang tiyan niya. Hinampas niya ang noo nito para mapatigil ito sa ginagawang kalokuhan. "Itigil mo nga 'yan. Parang kang baliw riyan. Sa tabi ko pa talaga ikaw nagsasarili," pagrereklamo ni Drake. "Palibhasa may girlfriend. Palibhasa nagagawa mo ang gusto mo sa kanya. Hmm, kailan mo ba ako ipakilala sa girlfriend mong selosa na si Erica? Pupunta ba siya ngayon?" tanong ni Dan. Tumahimik si Drake nang maalala iyong mangyayari ngayong araw. Para hindi iyon mangyari, hindi niya na lang