Aiana’s POV Pag-uwi ko sa mansiyon ay naakabang agad sa labas ang kotse ni Claidy. Lumabas siya roon upang sunduin ako. Pagbaba ko sa kotse ay agad niya akong hinila papasok sa kotse niya. Nang makasakay ako sa kotse niya ay pinagmasdan ko lang siya. Nakakapagtaka dahil masyado siyang tahimik ngayon. Ni isang salita ay wala siyang pinapakawalan kaya nang makapasok na rin siya sa loob ng kotse ay doon na ako nagsimulang magtanong. “Bakit parang wala ka na naman sa mood?” Doon na niya ako tinapunan ng tingin. “Eh, kasi naman kanina pa ako nag-aabang sa iyo. Halos mag-iisang oras na akong naghihintay sa iyo. Sinabi ko naman kasi na maaga kang umuwi, hindi mo na naman tinupad. Dapat nga ay makisama kang maayos sa akin dahil para sa iyo naman itong pupuntahan natin,” sabi niya at saka na pin