Aiana’s POV Dahil sa utos ni Claidy na bilisan ang pagmamaneho ni Keno ay agad tuloy kaming nakarating sa mall. Tila totoo ngang nagutom si Claidy dahil sa Japanese restuarant agad kami tumuloy. Papasok pa lang kami sa loob ay alam kong hindi ‘to mumurahing restaurant lang dahil sa ganda at laki ng loob nito na halos sobrang ganda ng buong paligid. Parang sa mga palabas ko nga lang nakikita ang ganitong kainan. Tama, may ilang beses ko na ‘tong napanood sa mga sikat na vloggers. Kaya siguro parang pamilyar ako sa kainan na ‘to. At ayon sa mga napanuod ko ay sobrang sarap nga raw ng mga ramen dito. Aaminin kong bigla akong naging excited. Kasi, alam kong masasarap ang pagkain dito. Hindi naman sa nanliliit ako sa sarili ko. Nakatikim na rin ako ng mga ramen. Kaya lang ay masasabi kong kaka