Aiana’s POV Pumayag agad si Francizka na maging alalay ko para bukas. Gustong-gusto raw niyang umalis muna sa bahay nila dahil surang-sura siya sa mga tao roon. Wala raw kasi silang ibang ginawa kung ‘di utusan siya nang utusan buong maghapon. Pagod na pagod tuloy siya palagi kapag naroon. Kapag naman nagpapaalam siya sa madrasta niya na magtatrabaho sa labas ay pinapayagan naman siya nito dahil alam nitong hindi hihingi ng pera si Francizka sa kaniya dahil magwo-work ito para magkapera. Kaya ang nangyari tuloy ay kumuha na ako ng hotel for three person ngayong hapon para doon na kami magpalipas ng gabi. Doon na kami tumuloy para maghanda sa pictorial kong magaganap para bukas. Need kasing kausapin ng mahaba ni Yeye si Francizka sa mga dapat nitong gawin bukas. Hapon na at nag-aagaw na a