Aiana’s POV Nagising ako na sobrang ngawit ng leeg ko. Ngiwing-ngiwi ang mukha ko nang bumangon ako. Napatingin ako sa kama na malapit sa akin. Ang bundol na si Claidy ay halos sarap na sarap pa rin sa pagtulog ngayong umaga, habang ako naman ay heto, parang nabalian ng buto sa leeg sa sobrang pagkangawit dahil sa sofa niya lang ako pinatulog buong magdamag. Ayaw niya raw kasi ng may katabi sa kama. Tutal ay peke lang ang pag-iibigan namin ay hindi naman daw tama na magtabi kami sa isang kama. Gusto ko sanang lumipat sa ibang kuwarto pero hindi siya pumayag dahil baka isipin daw nila Francizka at Keno na peke ang pag-iibigan naming dalawa. Nasa tapat ako ngayon ng kama na tinutulugan niya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase na lalaki na kahit tulog ay sobrang perfect pa rin ng