Claidy’s POV “Narito na ulit ako, baby ko,” sabi niya pagpasok ulit sa bedroom ko kaya bigla akong natawa. Muntik nang magkaroon ng tunog ang pagtawa ko. Mabuti at hindi niya napansin. Ang Aiana na ito, ang cute pala talagang malasing. Tang-ina, nag-iba tuloy bigla ang tingin ko sa kaniya. Talagang kakaiba maglaro ang tadhana. Pero hindi. Baka libog lang din talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. Masyado lang akong natatawa dahil ang baliw niya pala kapag lasing. Ibang-iba kapag normal. Pero bakit ang cute pakinggan ng pagsabi niya sa akin ng baby ko? F*ck. Ganitong-ganito ako noon nang ma-fall sa baliw rin na si Nia. Kailangan kong timpihin ang sarili ko. Hindi ako dapat madala sa mga lasing na sinasabi niya. Hibang lang talaga siya dulot ng alak na nainom niya. “Baby ko, puwede bang hu