Tahimik kaming dalawa ni Dragon sa kotse niya. Namumula pa din ang mukha niya sa galit, ang higpit na nga ng pagkakahawak niya sa manibela. “Damn him! Bakit hinahayaan mo lang siya na ganunin ka?” napapitlag ako. “D-Dragon, mali ka ng iniisip. Hindi 'yon---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “Pinagtatanggol mo pa talaga si Prince?! Bakit ba sobrang bait mo?” natahimik na lang ako. Mukhang sarado pa ang isip niya ngayon. “Sakin ka na magtatrabaho.” natigilan ako. “H-Ha?” seryoso ba siya do'n? “Hindi ako papayag na magtagal ka pa sa poder ng Farthon na 'yon.” “H-Hindi na kailangan Dragon. Ayos lang ako.” pagtanggi ko. “No. I won't let you work for him again. Gaya ng sinasabi ko sayo, matindi magalit si Prince.” natahimik ako sa sinabi niya. Sa tingin ko mas delikado ako sa pode