~~~Laura's POV~~~ Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. “Hmm...” napadaing ako dahil sa sakit ng ulo ko. Siguradong nandito na naman ako sa unit ni Bryle, lagi akong napupunta dito tuwing nalalasing ako. Natigilan ako nang may matipunong braso na yumakap sa baywang ko. Napaigik ako nang maramdaman kong sumasakit ang pagitan ng mga hita ko. Bakit ang sakit? Hindi ko rin maigalaw ang mga hita ko. Natigilan ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sa baywang ko. Humarap ako sa yakap ng yakap sakin. Napasinghap ako nang makita ko kung sino 'yon. “Bryle! Manyakis ka! Bakit mo ko niyayakap?!” Binalot ko ng kumot ang sarili ko. Bakit nakahubad ako? Wala akong damit ni isa. “Tangina naman Laura, natutulog yung tao eh.” sabi nito at tumalikod sakin. Nanlaki ang mga m