Simula

1014 Words
"No, dad! Hindi ako mag papakasal sa sinasabi mong kasosyo mo sa negosyo." Sigaw ko kay daddy. Sa edad kong 20 anyos ay pinagkasundo na niya akong ipakasal sa sinasabi niyang kasosyo niya sa negosyo na siya namang labis kong kina ayawan. Napakabata ko pa para mag asawa at marami pa akong pa pangarap sa buhay. Plano ko pang ikotin ang mundo, tapos ipapakasal niya lang ako sa matanda niyang kasosyo sa negosyo. Hindi naman sinabi ni daddy na matanda na ang kasosyo nito na nirereto niya sa akin, pero sa edad ni daddy nakakasiguro ako na kasing edad niya lang ito. At isa pa ang sabi niya sa amin ay kaibigan niya daw ito kaya malaki ang posibilidad na matanda na nga ito. Iniisip ko pa lang na magpapakasal ako sa matanda bumabaliktad na ang sikmura ko. Hindi ko maatim na magpakasal sa hindi ko kilala lalo na siguro kung matanda pa. Ako nga pala si Lychee Ann Suarez, 20 years old. 2nd year na ako sa kursong Tourism. Pangarap ko kasi ang maging isang Flight attendant. Well okay lang din naman sa mga magulang ko ang kinuha kong kurso dahil pag aari namin ang isa sa pinakamalaking airlines dito sa bansa. "Sa ayaw at sa gusto mo mag papakasal kay Mico." Galit na saad sa akin ni daddy. " Pero daddy napakabata ko pa po para ipakasal ninyo. Isa pa gusto ko munang libutin ang mundo. Alam niyong dalawa ni mommy na pangarap kong magtravel all over the world." Naiiyak nang sagot ko kay daddy. "Pwede mo naman ikotin ang mundo kasama si Mico, hindi ka malulugi sa kanya dahil mayaman siya. At pwede mong gawin ang pangarap mo kahit na mag asawa kayong dalawa." Aniya sa akin. "Pero dad, hindi ko kilala ang lalaking gusto mong pakasalan ko. Please daddy ayaw ko pa pong mag pakasal." Pakiusap ko sa kanya. "Buo na ang desisyon ko na ipapakasal ka kay Mico. Mabait si Mico at alam ko na aalagaan ka niya, at matututunan mo rin siyang mahalin dahil mabuti siyang tao." Wika pa nito. "Pero daddy.. " " Wala nang pero pero, ihanda muna ang sarili mo dahil sa darating na sabado na ang kasal niyong dalawa." Final na wika nito. Tulala akong iniwan ni daddy dito sa kwarto. Napahilamos ako ng dalawa kong palad sa aking mukha. Hindi pwede magpakasal ako sa kaibigan ni daddy. Gagawin ko ang lahat para lang hindi matuloy ang kasal na sinasabi niya. Kinabukasan pagka baba ko sa sala ay nagulat ako na maraming lalaking nakaitim na sa labas ng bahay. "Mom, bakit po maraming lalaki nakapalibot dito sa mansion?" Tanong ko kay mommy. "Mga tauhan sila ng daddy mo anak, inutusan sila ng daddy na bantayan ka." Malumanay na sagot ni mommy sa akin. "What? Bakit kailangan gawin yun ni daddy, mom?" Gulat na saad ko kay mommy. " Para hindi mo maisip na tumakas." Si daddy na ngayon ay kakapasok lang sa dining area. "Pero daddy hindi ko naman po kailangan ng bantay." Reklamo ko kay daddy. "Mabuti na yung may bantay ka dahil kilala ka Anne. Alam ko na pag ayaw mo ay gagawa at gagawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasal mo. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kita. Wag mo nang balakin pa ang tumakas." Seryoso na sabi niya sa akin. Kilala ko si daddy at alam ko na pag sinabi niya ay gagawin din niya. Buong araw akong naka kulong sa aking kwarto at nag iisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Friday night Hindi ako mapakali at pabalik balik ako ng lakad dito sa loob ng aking kwarto. Bukas na ang kasal namin ng kasosyo ni daddy. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ako tatakas at paano hindi matuloy ang kasal namin ng lalaki. "Anne, anak inumin mo na itong gatas mo at kailangan mo nang matulog ng maaga at maaga pa ang gising mo bukas." Saad ni yaya Leni ng pumasok ito sa loob ng aking kwarto. "Yaya tulungan mo akong makatakas ngayon please, " pakiusap ko kay yaya at hinawakan ang kamay nito. "Anne, alam mo kung gaano kalakas amg influwensya ng ama kay mahanap ay mahahanap ka pa rin ng iyong daddy mo" saad sa akin ni yaya "Yaya, please ngayon lang po ako hihingi ng pabor sayo. Please yaya tulungan mo ako." Pagmamakaawa ko. "Ano ba ang gagawin ko sayong bata ka. Paano kung mahuli ka ng daddy mo. Anak sundin mo na lang ang gusto ng daddy mo." Aniya sa akin. "No! Yaya, mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa magpakasal sa lalaking kasosyo ni daddy." Wala akong choice, kundi ang takotin si yaya. "Anne, wag mong sabihin yan." "Kung ganun tulungan niyo po akong makatakas ngayong gabi yaya, pangako hindi po ako mag papahuli kay daddy." ani ko kanya. "Siya Sige sige. Ihanda mo ang mga gamit mo at ipasok sa bag para mailagay ko sa trash bag. " Pagkasabi nun ni yaya ay agad na akong kumilos at nilagay ang mga importante kong gamit isang maliit na backpack. "Lilituhin ko ang mga bantay mo Anne, at habang kausap ko sila lumabas kana agad at hintayin mo ako sa labas." Saad niya sa akin. Habang kausap ni yaya ang mga bantay sa gate ay dahan dahan naman akong lumabas ng gate at agad na tumakbo palabas ng mansion at hinintay si yaya sa sinabi niyang lugar sa akin. "Mag iingat ka, Anak." Nag aalala na sabi bni yaya sa akin. "Thank you, yaya," masaya na niyakap ko si yaya Leni. Pagkatapos naming mag usap ni yaya ay agad din ako umalis na. Mag che check in muna ako sa hotel ngayong gabi at bukas na bukas din ay naghahanap ako ng pwede kong tuluyan. kailangan ko rin itago ang aking totoong pagkatao para hindi ako mahanap ng mga tauhan ni daddy. Alam ko na hindi siya titigil hangga't hindi nila ako nakikita. *** Pa add naman po sa library niyo ang story ni Lychee at ng mga collab ko. Hooker Series po .. maraming salamat po sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD