"Putang ina pare, ano bang problema mo!" sigaw na lamang ng napa-upong lalake. Ganoon na lang ang pamumutla nito nang makita ang nanlilisik na mga mata ni Jordan, batid ang matindi nitong galit kahit pa tuwid at walang emosyon ang mukha nito. "Wala! Ikaw mayroon?" malalim na saad na lamang ni Jordan habang pinapakatitigan ang kanina lang ay kasayaw na lalake ni Cassady. Napalunok na lamang ito ng malalim, kasunod ng pamamawis ng malamig nang mapuna kung gaano kalaki si Jordan, idagdag pa dito ang tila mabangis nitong hitsura ng mga sandaling iyon. Nakahinga lamang ng maluwag ang naturang lalake nang makuha ng mga babaeng kasama ni Cassady ang atensyon ni Jordan. "Hoy, sino ka ba!" nakapamaywang na singhal ng isa sa mga ito. Pero wala na rin naman nagawa ang mga naturang babae nang pa