Hindi siya magkanda mayaw sa pag-aayos ng suot at buhok pakagising, halos mag-iilang linggo niya na rin na hindi nakikita si Cassady mula nang umalis ito sa kanyang tirahan, hindi niya maintindihan pero naroon ang kung anong pangungulila niya para sa dalaga. Hindi niya kasi makalimutan ang ilang araw nitong pamamalagi sa kanyang bahay na siyang nagdulot ng kung anong liwanag sa maliit niyang tahanan kaya naman napagdesisyunan niyang puntahan at kulitin ito sa kanila, naroon nga lang ang kung anong kaba sa kanyang dibdib dahil iyon ang unang beses na bibisita siya sa bahay ng babae. Kung kaya’t todo pabango at suklay siya ng buhok. Nais niyang maging presentable pero simple sa unang pagbisita niya kaya isinuot niya ang paborito niyang white polo shirt at brown khaki shorts na tenernuha