"Nabusog ka ba?" medyo kabado na sambit ni Jordan. Halos lahat kasi ng inihain sa kanilang dalawa sa mamahaling restaurant na iyon ay tila kakapiranggot lamang, kahit ang main dish na chicken with apple sauce ay parang hindi man lang sumayad sa lalamunan niya. Napangiti na lamang si Cassady habang pinupunasan ang mga nakakapang-akit na pulang labi nito. "Yes, the food was wonderful." matamis na ngiti na lang ng dalaga. Bahagyang napanganga si Jordan sa muling pagkakabighani pero agad ding nakabawi nang mabatid ang pagpipigil ng tawa ng dalaga. "I'm glad." Kamot niya na lang agad sa batok. Iyong nga lang kahit tila masaya ang dalaga at nagustuhan nito ang kinain nila ay hindi siya makasigurado kung nabusog nga ba talaga ito. "Thanks, Jordy." Hawak na lamang ni Cassady sa kamay n