"Muffin, kumain ka na?" Agad na salubong ni Jordan. May hawak itong isang bento box na iba-iba ang kulay at isang malaking cooler na punong-puno ng nagyeyelong tubig. Agad na kinuha ni Cassady ang cooler upang makainom at mapawi ang uhaw. "Eh ikaw, kumain ka na ba?" balik na tanong ni Cassady habang pinupunasan ang bibig mula sa malamig na tubig. "Tapos na ako." Ngiting tango ni Jordan. Napatingin na lang ng seryoso si Cassady sa kasintahan. Napansin ng dalaga ang pagangalumata ng lalake maliban sa pabagsak na nitong katawan. "Mine, okay ka lang ba diyan?" alalang sambit niya na lamang. Doon lang napansin ni Cassady na sa may gilid lang ito ng daan nakaupo, maliban doon ay madilim sa kinalalagyan ng binata kaya sigurado niyang pinapapak na ito ng lamok. "Doon ka kaya maupo s