Namulat si Cassady sa amoy ng halimuyak ng nilulutong bawang, agad siyang napabalikwas ng tayo nang mabatid na wala pala siya sa kanyang kuwarto. Doon na isa-isang nagbalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng mga nangyari kagabi. Agad niyang ipinaikot ang tingin sa paligid, malinis na ang lugar at nakatupi ng maayos ang kanyang mga damit sa may mesa. Dali-dali na lamang siyang nagbihis, naroon ang hiya at pagkailang niya dahil sa mga nagananap. Dahan-dahan pa siyang sumilip sa labas ng kuwarto. Tahimik naman ang naturang lugar maliban sa tunog ng pagpripritong nagmumula sa kusina. Tumingkayad na lamang siya upang hindi makalikha ng ingay habang naglalakad patungo sa pintuan palabas, napaiktad na lang siya nang madinig ang malakas na kalampag ng nasagi niyang mesa. "Cass?" alangan na