Hi miss! Wanna have s** tonight?
Aba gagong ‘to. Sira ulo ang hinayupak. Inis na saad ko sa aking sarili
Nakatanggap ako ng message mula sa isang lalaki. Nasa message request at tiningan ko ang profile account nito. Namumukhaan ko sya at kilala ko sya. Isa syang empleyado sa kaparehong building na pinagtatrabahuhan ko. Pero gwapo siya infairness. Isa sya sa mga pinakagwapong lalaki na nakikita ko sa building namin. Madalas ko itong nakikita kapag breaktime na may kasamang mga barkada niya na mukhang mga f*** boy din. Tapos may kausap na mga babaeng- ayokong magjudge pero mukhang nagfi-flirt din sa kanila.
Anong problema niya sa buhay? Baka naman na-wrong send lang.
Inignore ko lang ang message. Pero mula noon mas madalas ko syang makita na nakatitig sa akin na may pagnanasa. Naka-hawak pa sa yosi niya at naghihithit buga. Agad naman akong nag-iiwas ng tingin at iniirapan ko pa sya. Minus 1000 pogi points dahil hate ko ang amoy ng sigarilyo. Ang totoo, nakakatakot ang mga tingin niya na parang kakainin ako ng buhay.
Minsang nakasabay ko pa ito sa elevator. Kaming dalawa lang dahil may pinakuha sa akin sa baba at sya naman, mukhang late na papasok. Kinabahan ako at natakot pero sya nakita ko sa mukha niya ang pagngiti dahil sa pagkakataong magkakasabay kaming dalawa sa loob ng elevator. Alam kong may gagawin syang di kanais-nais at gusto akong inisin. Tumabi sya sa akin saka lumingon ng bahagya sa gawi ko.
"Hi! Di mo ba narereceived mga message ko sa’yo?" maangas na saad nito na akala mo close kami. Nakangisi at mukhang proud sa kabastusan niya.
Hinarap ko sya at dinuro pa ng aking hintuturo.
"Hoy, manyak ka. Subukan mong imessage pa ako. Makakatikim ka."
"Makatikim ng ano?" nang-iinis pa na saad nito na ikinapikon ko naman ngunit nakarating na ako sa floor ko kaya nilayasan ko na lang siya. Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan ng masama habang palabas ako ng elevator. Sya naman ay nakangisi at mukhang tuwang-tuwa pa.
Sobrang inis ko pagpasok ko sa loob ng opisina at padabog na napaupo sa aking upuan. Madalas akong inisin ng mga kaklase kong lalaki noong elementary. Hanggang ngayon ba naman ay may malakas pa ring mangtrip sa edad naming ito.
"Hoy, bakit nakasimangot ka dyan?"
"May manyak akong nakasabay sa elevator kanina."
"What? Hinipuan ka?" bulungan namin ng kaibigan ko.
"Hindi naman nanghipo. Nagmessage sya sa akin nung nakaraan ng bastos tapos kanina tinatanong niya kung di ko ba daw narerecieved ang mga messages nya. Tinarayan ko at tinitigan sya ng masama kaso nakangiti pa sya na nang-iinis."
"Ano bang message? Gaano kabastos? Patingin nga."
"Isa lang ang nabasa ko at nasa message request lang kasi. Wait. Iopen ko," saad ko sa babae.
Hi miss ang ganda mo araw-araw.
Hi miss! Pwede ka bang maka date?
"Omg! Si Angelo Dale Rivera. Sya yung pervert stalker mo?" gulat na tanong ng babaeng ito na nanlaki ang mga mata dahil di makapaniwala.
"Siguro nga sya yan. Yan ang name sa account di ba? O poser lang?"
"I bet poser lang yan. Imposibleng magkagusto yun sa’yo. Magaganda ang gusto noon." pang-iinis pa ng babaeng ito na akala ko ay totoong kaibigan ko.
"Thank you naman sa magandang comment mo sa akin,” napataas ang kilay ko sa nakakainis na babaeng kausap ko. Kung hindi ako maganda, eh ano na kaya sya?
"Totoo nga. Ang gaganda ng mga nagugustuhan niya tapos ngayon ikaw ang itetext?" gulat na tanong pa nito at panay pang aalipusta pa nitong itinuturing kong kaibigan.
"Hindi na kita friend. Bruha ka. Lumayas ka na nga dito at magtatrabaho na ako."
"Ang daming nagkakagusto kaya dyan. Malamang pinagti-tripan ka lang."
"Buset ka. Ayaw na kitang kausap. Hwag kang mag-alala hindi ko papatulan ang trip ng gagong to," itinabi ko na ang phone ko. Kung ayaw nyang maniwala, eh di hwag.
"Dapat lang. Crush na crush ko kaya yan. kaya di pwedeng mapunta sayo."
"Eh di imessage mo. Magflirt ka at tingnan natin kung mapapansin ka," hay ngayon ay sa babaeng kausap na ako naiinis at di na sa lalaking malakas ang trip.
"Talaga kasi mas maganda ako sa’yo."
Aba, feeling talaga.
Umikot lang ang mata ko at di na pinansin ang feelingerang babaeng ito. Paano nga kung napagtitripan lang ako at di naman talaga ako gusto? malamang dare lang yun ng barkadahan nila na walang magawa sa buhay.
Wednesday at overtime day ko. 9pm ang labas ko sa opisina. Gabi na pero ok naman magbyahe kahit mag-isa lang ako. Dahil madalas na ibang way ang mga kasamahan kong nag-oovertime.
Palabas ako ng building at sa ibang way na ang mga kasama ko. Pagkapaalam sa kanila ay umiba na ako ng daan pauwi. Nang makita ko ang manyak na stalker na nakaupo sa kanyang motor sa may parking area. Mukhang may hinihintay at hiling ko lang ay hindi ako iyon. Ayokong mastress sa kabaliwan niya. Hindi ko sya pinansin at mabilis akong naglakad sa harapan niya papunta sa sakayan ng jeep.
“Hoy miss!” tawag niya pero hindi ako lumingon. “Alice, wait,” nang abutan niya ako ay humarang siya sa unahan ko.
“Ano ba?" mataray na saad ko na nakapamewang pa ang dalawa kong kaway. Nakakainis kasi sya dahil alam kong gusto nya lang akong pagkatuwaan.
“Gabi na hatid na kita.”
“Para hindi ako mapahamak? Eh mukhang sa’yo ako mapapahamak kung ihahatid mo ako,” habang nag-uumpisa pa lamang siya ay kailangang malaman niya na di ako madaling magpaloko sa mga katulad niya. ang maka score lang marahil sa babae ang pakay niya.
Lalakad na sana ako ulit pero dumipa sya para harangin ako.
"Sige na hatid na kita. Para safe ka," pilit pa nito
"Umalis ka na. Sisipain kita," inis na saad ko.
"Ang sungit naman."
He gave up at hinayaan na akong makaalis. Mabuti at nakasakay agad ako sa jeep at nakahinga na ng maluwag. ang lakas ng tama niya sa utak pero ako nasa tamang pag-iisip at di sya papatulan sa laro niya.
Hi sexy! Can I taste you? Dapat sumabay ka na sa akin pauwi, baka maunahan pa ako ng ibang manyak. Message ng manyak na yun.
Ang bulgar nya talaga at napakabastos. Hindi ko sya nirereplayan dahil hahaba lang ang usapan. I decided to block him at natulog na lang.
TEN minutes na lang bago ang time-in ko at madami pang nakaabang sa elevator. Mabuti at nasa unahan ako at sure na makakasakay agad ako. Sa pagbukas ay nagpasukan na kami. Nakasandal ako sa wall at nakita ko ang mokong na nakasunod pala sa akin at nakangiting papasok. Nagkatulakan pa at muntik pa itong sumubsob sa akin pero napatuon ang kamay niya sa wall kaya di sya napadikit ng tuluyan sa akin ngunit konti lang ang pagitan namin sa isa’t-isa. malapit na malapit ang aming mga katawan.
Amoy ko ang leeg niyang may pabango na naghahalo sa amoy sigarilyo niyang damit. Napatakip na lang ako sa aking bibig at ilong. Ramdam ko ang pag amoy niya sa aking ulo. Matangkad siya at hanggang ilong lang niya ako.
"Excuse me,” sabay hawi ko sa katawan niyang nakaharang sa harapan ko pagdating sa floor ng opisina namin.
"Nagmemessage pa sya?" tanong ng mahadera kong kaibigan na feeling maganda at apatulan ng Angelo na yun.
"Hindi na. Bakit?"
"Nagreply kaya sya sa akin,” kilig na saad nito at niyayabangan pa ako. Eh di sya na.
"Anong sabi?" usisa ko at nacurious ako.
"Hi daw."
"Yun lang tuwang-tuwa ka na? Walang kwenta. Ano bang message mo kasi?"
"Hi lang din."
"So proud ka na nagreply sya ng hi sa’yo? Ang hina mo girl. So basic."
"At least pinansin niya ako. Syempre di ko naman ipapakita na gusto ko agad sya. friendly mode muna," paliwanag nito.
"Congrats! Sana maging kayo," sarcastic na saad ko. Feeling nya talaga sobrang maganda niya.
"Tse! Inggit ka lang," saad pa ng babaeng ito sa akin.
Ako pang inggit ngayon. Bahala ka dyan. sayo na yang hi niya.
A.D.: Ang bango mo kanina, babe. I like your scent and it really turns me on. Marami lang tao kanina pero gusto na kitang halikan. ang kissable ng lips mo, nakakatakam
May iba siyang account at namessage nya ako ulit. Bakit ba kasi parang iniintay ko rin na may message ako sa message request? Na open ko tuloy pero nakakainis ang mensahe niya. Masasampal ko na talaga ang lalaking ito. Subukan mong magpakita ulit
Umiiwas na akong tumingin sa pwesto nila tuwing manggagaling kami sa canteen at nasa smoking area sila sa labasan.
"Ayun sya," kilig na sabi ng kasama ko.
"I don’t care," sagot ko kahit may konting saya ng makita ko ang gwapong mukha ng lalaki. Nakangiti ito habang kausap ang kaibigan at magaganda ang mga labi niya.
"Mabuti naman dahil akin lang sya. you should not care about him, ok."
"Isaksak mo pa sa baga mo."
"Isasaksak ko sya sa perlas ko ng baon na baon,” tawang-tawang sabi ng kaibigan kong manyak rin at natawa rin ako.
"Kadiri kang babae ka. Malaswa ang bunganga mo. isprayan kaya kita ng alcohol," biro ko na pwedeng totohanin na rin.
"Ang hot nya kaya. Ang ganda ng katawan at sobrang gwapo. Bagay na bagay kami. Magaling kaya sya sa kama? Angkinin mo ako Angelo," para itong baliw na patay na patay sa lalaking iyon.
"Bagay kayo at pareho kayong manyak,"
Laking pasasalamat ko ng wala sya ng makalabas na ako sa building nang oras ng uwian. Para tuloy akong kriminal na umiiwas mahuli ng pulis, palinga-linga at biglang tatakbo kung makikita ko sya. Wala ring mensahe sa aking ng gabing iyon.
Umaga kinabukasan ng makita ko nanaman sya sa lobby. Mukhang kanina pa sya doon at hinihintay ako. Dumiretso ako sa unahan ng pinto ng elevator para una akong makapasok sa pagbukas nito at nakita kong halos kasunod ko na sya. Pumasok lang ako sa elevator pero hindi na ako sumandal sa wall at nasa gilid naman ako.
Gumagawa talaga siya ng paraan para dikitan ako at sumiksik siya sa likod ko. Hindi dumidikit ang katawan niya pero inaamoy nanaman niya ako. Na-conscious ako sa buhok ko kung amoy araw na ba agad. di pa naman ako nagshampoo ng umagang iyon.
Talaga ba, Alicia? Bakit conscious ka? Kinikilig ka na ba sa pervert na yan? at dapat mabango ka kapag katabi sya?
Lumingon ako at siniko ko sya ng mapagtanto kong tataman ko sya sa kanyang sikmura...
Ahh,” mahinang saad niya at napangiti ako sabay labas ko ng elevator.
Nakaganti rin ako pero kulang pa.