ALICE This office was so boring as well as sa mga co-workers ko. Mababait naman sila. Approachable kapag may tanong ako at agad nila akong sinasagot pero walang tsismisan. Walang masyadong bonding. Kanya-kanya at wala yatang namumuong friendship dito. Bago lang kasi ito at panay mga bata ang mga katrabaho ko. Freshly grads at ang super visor, manager, team leader lang ang medyo may edad. Hindi rin sila ganoon nakikipagbonding after work. Work at dorm lang ako dito sa QC. Madalas na lumalabas mag-isa at namamasyal sa mall. I miss the three girls. Isang araw. Araw ng linggo ay nagkita kita kami ng mga kaibigan ko sa isang mall sa Makati. Mabuti at walang masyadong traffic at maaga akong nakarating doon. “Miss na miss ko na kayo!” “Kamusta sa abroad. Pasalubong.” “Qc lang ako galing ‘no.