Sabado ng hapon. Nakaabang na si Angelo sa akin sa parking lot. Saan nanaman kaya ako yayayain ng lalaking ito? Nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan at nilapitan na ang lalaking nakasandal sa kanyang blue at white na kotse. Nakapamulsa ang kamay at akala mo modelo na nakapose pa. “Saan tayo lover boy?” biro ko. “Dyan lang may nakita akong magandang puntahan.” “Dyan lang ha?” hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. noong isang araw ay halos isang oras ang byahe namin. Sa loob ng sasakyan ay di naman nagsasalita si Angelo at naka-tyempo ako ng tulog dahil ilang araw na kaming lumalabas. Pagod at antok tuloy ako. Nagising ko na palabas na kami ng city at patungong south. “Saan tayo?” usisa ko at palinga-linga sa daan. “Malapit na matulog ka pa.” Natulog naman akong ulit. Malamig sa lo