5

2140 Words
"Sobrang arte ng kaibigan mo," saad ni Dina na tinutukoy si Hannah. "Kaibigan pa ba nga? Mukhang mas mahalaga pa nga sa kanya ang lalaki kesa sa friendship natin," sagot ko kay Dina. "Ewan ko sa inyong may love triangle. Gusto mo ba si guy?" nagulat ako sa tanong nito sa akin. "No!" mariing sagot ko pero hindi ko alam kung nagugistuhan ko na nga ba ang lalaking iyon. "Labas sa ilong. Aminin!" pang iinis pa nito at ayaw maniwala sa sagot ko. "Bastos sya at walang modo. Paano ko sya magugustuhan? Nakakaturn off kaya sya," dagdag ko pa. "Pero nakaangkas ka sa motor niya papunta dito at kagabi, nasaan ka? Hinatid ka di ba?" dagdag pa ni Dina na nangiintriga pa rin at nais akong paaminin. Alam pala nilang si Angelo ang naghatid sa akin. "Lakas din ng radar mo no," di na ako nakatanggi pa. Di naman kailangan na magsinungaling pa ako. "Eh kasi naman. Kilala kita kahit lihiman mo pa ako. Ewan ko ba bakit kay Hannah ka nagshashare eh di mo alam kinukwento rin sa amin ang mga sinasabi mo," mas close kami noon ni Hannah pero ngayong may Angelo na, inaaway ako ng babaeng iyon at nakikipagkumpetensya pa sa akin. Sya kasi yung malapit sa upuan ko at noon naman, ok kami. Ngayon na lang na dumating yang si Angelo at nang ipakita ko ang text nung lalaking yun sa kanya ay naging ganyan na. Selosa ang bruha at nagpaka possesive na sa lalaki. "Patay na patay sa lalaking yun. Anong meron yung Angelo na yun?" pagtatakang tanong ni Dina. "Di mo sya like? Gwapo naman sya. Mukha lang loko-loko," sagot ko naman dahil halos lahat ng mga babae ay nagkakagusto sa lalaking yun. Si Dina lang yata ang hindi. "Bakit ikaw? Like mo si Angelo? Aminin mo na kasi." "No nga!" pagdidiin ko sa aking sagot kasi hindi ko sya gusto totally. May ugali syang nakakaturn off. "Ewan ko sa inyong mahihilig sa gwapo. Tapos iiwan kayong luhaan. Bahala kayo dyan." "Kami talaga? Hindi ba si Hannah lang?" pagtatanggol ko pa sa aking sarili dahil hindi naman ako umaamin pa sa kanya pero ginigiit na gisto ko agad ang lalaking iyon. "So, text mate na ba kayo ni lover boy?" tanong pa nito at usisa ng usisa. "Hindi nga. Ang kulit mi naman eh," mariing pagtanggi ko. "Eh ano nga kayo?" pangungilit ni Dina "Stalker ko sya. Sya lang ang nagmemessage at di ako sumasagot. Di ko nga type. masyadong gwapo at mukhang fucboi," paliwanag ko "Ano? Seryoso? Stalker? Ganda ka?" natatawang sabi naman ni Elise "Oo nga at bully sya. Paano ko naman sya magugustuhan? Puro kalokohan ang mga sinasabi niya. Past time nyang mambwisit. Ganun." "Ibig sabihin pinagtitripan ka lang. Gusto lang mag flirt. Tama ba?" "Oo. Ganun nga. Ganun lang sya. Hindi sya seryoso kaya hwag nyo na akong tuksuhin." Nagbubulungan kaming mga babae habang di pa makapagdecide kung saan pupunta. "Oh saan na ba tayo?" tanong ni Alex para makaalis na kami at makapunta na sa kyng saan mang pupuntahan. "Mall na lang sa Pasay," sagot ni Angelo "Ok. Doon na nga lang," sangayon ni Dion saka kami nagsakayan na sa kotse. Pagdating sa park na nasa likod ng mall ay nagkayayaang mag ride. Nag-ride silang pito samantalang ako, nanonood lang sa baba at taga video at picture. Hindi ako mahilig sa thrills and excitement. Actually, matatakutin ako. Nagtatawanan sila habang pababa sa ride. Sayang-saya sila sa thrill na naranasan habang inuguy-ugoy sila sa mataas na lugar. "Hoy ikaw, manonood ka lang?" pansin ni Hannah sa akin dahil di ako sumama sa unang ride nila. "Pwede na ako sa ferris wheel," mas kaya ng powers ko yun kesa kung mabibilis na umaandar para hiluhin ang mga customers ng park na ito. Nang marinig yun ni Angelo ay agad nagsabi na doon daw sumunod na sumakay at ililibre daw kaming lahat dahil gusto ko daw ang ride na iyon. As usual nakadikit nanaman sa kanya si Hannah. Nagsabi na nga ang lalaki na ako ang dahilan ng panglilibre niya, feeling nya pa rin sya ang gusto. Nakapila na kami at nasa hulihan ako. Nasa unahan si Hannnah na inalalayan pa ni Angelo sa pagsakay pero hindi sya sumama sa unang car. Sina Elise at Dina ang naroon kasama ni Hannah. Tapos ang tatlong boys ang magkakasama at naiwan kaming dalawa ni Angelo. "After you, my Lady," saad pa ng mokong na to na pinauna akong pumasok sa ferris wheel. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para alalayan ako. "Maissue ka," sabay sampa ko ng di humahawak sa inooffer na kamay niya. "Masama bang ikaw ang gusto kong kasama?" sabay sampa rin niya sa loob. Nakangiti ang mokong na natakasan ang babaeng laging nakadikit sa kanya. "Ang sabihin mo, gusto mo akong pagtripan kasi di kita pinapansin." "Trip?" "Aminin mo. Anong trip mo ha? May pustahan ba kayo ng mga friends mo? Anong gusto mong patunayan? Sabihin mo na para matapos na ang pangungulit mo sa akin." "Ano bang pinagsasabi mo?" ayaw nya pang aminin. Akala nya di ko alam ang pagti-trip na ginagawa niya. "Maang-maangan ka pa dyan. Bakit ba ako ang kinukulit mo? Ang daming babaeng lumalapit sa 'yo. Magaganda at sexy. Sa kanila ka magflirt." "Nakikita mo ba ang nakikita ko? Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?" "Oo. Nararamdaman kong ang lakas ng trip mo," patuloy na pakikipagtalo ko sa kanya. Dahil alam kong pinaglalaruan lang niya ang mga babae. "Just enjoy the view. Saglit lang ‘to at matatapos din agad. Sayang ang pagkakataon,"seryoso ang mukha niyang nakatingin lang sa labas habang nakasandal. Naka tingin lang din ako sa view habang nasa taas kami ng ferris wheel. Napakataas at kita ang malawak na view. "Bakit may ganyan ka?" puna ko sa kanya sabay hila ko ng marahan sa hikaw niya sa kanyang labi. "Aray!" bigla nya kasing nilayo ang mukha niya kaya nahila ko ang hikaw lalo. Napatingin ito sa akin at nakasimangot. "Sorry,” nakangiting saad ko na may halong pang iinis. Tinanggal naman niya at nilagay na lang sa kanyang bulsa ang hikaw na nasa labi niya. "Oh,” gulat na sabi ko ng makita kong dumugo ang kanyang labi. “Hinawakan ko lang naman sabay ilag mo kasi kaya nahila,” agad akong kumuha ng tissue sa bag ko at pinunasan ang labi niya. Hinayaan naman niya ako habang nakatingin siya sa aking at ako sa labi nyang mapula nakatingin. "Mapanakit ka talaga," mahinang saad nito. "Ikaw ang umilag kaya nahila, hinawakan ko lang naman," guiltung saad ko at ngumisi lang ito. Pababa na kami at nagready ng lumabas mula sa loob ng car ng ferris wheel. "Anong nangyari dyan? Nasuntok ka ba habang nasa taas?" biro ni Dion kay Angelo na napansin agad ang labing may bahagyang dugo.Tatawa tawa pa ang lalaki. Napangiti lang ako habang pinagtatawanan nila si Angelo. "Napasobra ang halik kaya dumugo. Di mapigilan ng babaeng kassma ko eh," sagot ni Angelo kaya agad akong dumipensa. "Hoy, sinungaling ka. Kasalanan ng hikaw mo yan," paliwanag ko kaso lalo silang nagisip ng iba. "Mukhang may humila ng hikaw mo sa labi ha? Masakit na masarap yun," biro pa ng isang kaibigan nito na tatawa-tawa. Akala yata nila totoo amg sinasabi ng Angelo na ito. "Pare-pareho kayong madumi mag-isip. Walang intimate moment ok. Sinungaling tong kaibigan ninyo," inis na paliwanag ko sa kanila. "Masakit ba? Anong ginawa nya? Bad talaga yang babaeng yan," paninisi pa ni Hannah sa akin na tinasan ko lang ng kilay at di makapaniwalang ako pa ang masama. "Wala to. Ok lang ako," sagot ni Angelo kay Hannah na alalang-alala sa kanya. Nakita ko ang dalawang babae na nagngingisian at sinimangutan ko naman sila dahil sa inis ko kay Hannah. Nagride pa sila ng ilang beses. Nakaupo lang ako sa bench at naghihintay na matapos sila. Parang gusto ni Angelo na tabihan na lang ako at samahan pero nakabuntot sa kanya si Hannah palagi kaya nagride na lang sya kasama ang babae. "Di pa ba kayo nahihilo?" tanong ko sa kanila na mukhang gusto pang sumakay kasi nagyaya na si Dion kumain. Pagkatapos sa park ay sa Korean grill kami kumain. Si Hannah na panay bigay ng pork kay Angelo na parang anak kung ituring ang lalaki. Sobrang maalaga ni girl. Girl friend material talaga. "Cr tayo girls," anyaya ni Dina sa amin. "Kayo na lang. Dito lang ako," saad ni Hannah na mukhang ayaw umalis sa tabi ni Angelo kaya kaming tatlo na lang ang nag cr. "Oa ng ate nyo," inis na saad ko. "Affected ka? Selos? Ayaw pang aminin yan." pangungulit nanaman ni Dina. "Napansin ko lang ang asta ni Hannnah. Kayo talaga. Mga intrigera." "Selos na yan. Bakit bet mo rin si Angelo?" panunukso ni Elissa na pilit pa rin akong pinapaamin. "Sira, sya ang talagang bet ni Angge," sagot ni Dina sa sinabi ng aming kaibigan na si Elise "Talaga! Ang swerte mo kaso malas din kasi naunahan ka na nung isa," gulat na sabi nito at di makapaniwala sa sinabi ni Dina. Kahit ako di naniniwala na gusto talaga ako ni Angelo. Bakit nga ba ako? Pero maganda rin naman ako sa palagay ko. "Di ko naman sya bet. Ayos lang sa akin yung ginagawa ni Hannah kaso lang ayaw ni Angge na lapit ng lapit sa kanya ang babae. Natuturn off sya. I'm just a scape plan para matakasan nya si Hannah," paliwanag ko sa kanila "Kaya naman, iwas ka ng iwas kaya habol ng habol si guy," kilig na nagtawanan ang dalawa kong kasama na ayaw pa rin akong tantanan kakatukso. "Mga sira. Pinagti-tripan lang ako noon at di ko sya papatulan. Ayokong maging luhaan bandang huli." "Kung ako pagti-tripan nya. Ay naku, tara trip gang gusto mo," game na saad ni Elise. "Ayokong mahulog sa maling tao. Mashakit yun eh. I want a true love at di joke joke lang. I have no time for flings. Seryoso dapat at yung pakakasalan ako." "Grabe naman ang seryoso mo. Inaalala mo pa rin ba ang pag-iwan sayo ng ex mo? Hwag ka kasing masyadong seryoso sa buhay. Mga bata pa tayo. Play-play lang," payo ni Dina na iba ang pananaw sa love at sa buhay. "Paano kung mabuntis kaka-play? Tayong girls ang kawawa kapag nagkataon." "Bakit ka magpapabuntis? Play wisely. Palay na ang lumalapit, ayaw mo pa. Gwapo, hot, matalino, at yummy," ang kulit talaga ng dalawa at panay buyo sa akin kay Angelo. "Mukha ba syang palay at ano ako manok?" biro ko sa dalawa na ayaw tumigil. "Hindi. Mukha syang jumbo hotdog," tawanan kami ng tawanan sa loob ng cr at puro kalokohan ang pinag-uusapan. "Ako munang titikim kung jumbo nga talaga. Sabihin nyo lang. Game ako," saad ni Elisse na pilya "Sira. Ang laswa mong babae ka. Feeling po papatol sayo si boy." After mag-retouch at magtsismisan ay lumabas na kami ng rest room. Parang may nangyari sa table paglabas namin. Wala si Hannah at si Angelo. "Asan sila?" tanong namin sa tatlong boys "Lumabas. Nagwalk out ang kaibigan ninyo ng basteden ng kaibigan namin." Agad kaming nagtungo sa labas at sinundan si Hannah. Bakit naman may sakitan agad na naganap? "Hoy bumalik kayo ha. Wala kaming pangbayad," sigaw ng mga lalaki sa aming tatlo na naiwan sa mesa. Wala na ang dalawa paglabas namin kaya pumasok na lang kami ulit sa Korean grill. Nagtataka at nakaramdam ako ng awa kay Hannah. Maya maya lang ay pumasok na ulit si Angelo na mukhang guilty sa ginawa niya. Kung anuman iyon ay uusisain ko pa lamang. "Ano bang sinabi mo?" usisa ko "Sabi ko lang naman. Ako na lang at hwag nya na akong intindihin tapos tumayo na sya at lumabas. Pumara ng taxi at sumakay. Ano bang masama sa sinabi ko?" "Na hurt yun malamang. Ikaw na ang inaasikaso, ayaw mo pa," sagot ko sa lalaki na di maintindihan ang nangyari kay Hannah. "I didn’t mean to hurt her pero ayoko lang ng sobrang pag-aasikaso nya. Kaya ko naman eh." "Hayaan mo na. In love kasi eh tapos binalewala. So, insensitive," paratang ko sa kanya at para din marealize niya. "Seryoso?" "Seryoso. Insensitive ka nga kasi," paninisi ko pa sa kanya at pag uulit ko ng sinabi ko. "Unbelievable," napapailing na lang sya sa pag walk out ni Hannah at napangisi. Sorry na lang dahil ganyan ang ibang babae. "Kain na lang tayo. Tusta na tong mga to oh," sabat ni Alex na nawili na kami sa kwentuhan at nakalimutang kainin ang mga grilled pork. We continue cooking and eating. Di naman namin inintindi ang tantrums ni Hannah at hinayaan na sya sa pagwa-walk-out niya. Bratinela siya at wala na kaming magagawa. Then, we just enjoy each others company habang kumakain ng grilled pork at maraming side dishes. Dahil wala na nga si Hannah ay sya ang topic namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD