“Kakausapin ko muna si Papa.” “Don’t you dare Angelo. Uwi na!” galit na saad ko sabay baba at malakas na sinara ang pinto ng kotse niya. Bakit kailangan pa niyang kausapin ang papa ko? What is he thinking? Ang kapal ng mukha. Papasok na ako ng bahay nang madatnan si Papa sa salas. “May naghatid sayo. Bati na ba kayo?” usisa agad nito. “Nag-usap lang po kami ni Angelo.” “Bakit ba di bumababa yung lalaking yun?” “Papa naman, hwag mo nang asahan yun dahil maraming nobya yun at manloloko yun. Nakalimutan nyo na po ba? Akyat na po ako.” Maaga akong natulog para maagang magising kinabukasan. Sa opisina ay parating nakasunod sa akin si Alex. Isa pa to. Ayaw akong bigyan ng katahimikan. Break time na dapat at pahinga pero daldal sya ng daldal. Mas gusto ko pang si Angelo na lang ang mangu