4

1473 Words
ANGELO: Dapat pala inuwi na kita dito sa apartment ko. Ang lungkot tuloy. Walang kayakap. ME: Yakapin mong unan mo. Sa unang pagkakataon ay nagreply ako sa message niya. Parang nawala ang antok ko nang nakauwi na ako sa bahay at parang gisto ko lang din na may kakulitan. ANGELO: Thanks sa reply. At last. ME: Sino naman kasing magrereply sa mga malalaswang messages mo? ANGELO: Yung mga game sa s*x, sa fubu. ME: Sira ulo ka talaga. Maghanap ka ng ibang ka fubu mo. Di kita papatulan dyan sa trip mo na yan. Di akp ganyang babae. ANGELO: Why? Virgin ka pa? Ang sarap nun. Your so tight pa baby. ME: Gago ka talaga napaka-pervert mo. Parang nagsisi ako na sinagot ko pa ang message niya at puro kalpkohan lang naman ang sagot niya sa akin. ANGELO: Wala ka pa bang experience, seryoso? Gusto kong makauna sayo. I’ll be gentle promise. ME: Kung kaharap lang kita nasampal ko na ang bunganga mo. Ulitin mo pang imessage ako ng ganyan. Makakatikim ka sa akin sa Lunes. ANGELO: Gusto kitang tikman hindi pala tikim lang. Kakainin pa kita. ME: Magmumog ka ng alcohol dahil puro virus yang bibig mo. ANGELO: Paano kaya umungol ang virgin na katulad mo. I’ll make you moan my name babe. ME: Di lang talaga sampal ang aabutin mo sa akin. Gusto mong mabugbog? ANGELO: Bugbugin mo ako sa sarap babe. ME: Hay, matutulog na nga ako. Don’t want to talk to you anymore. You pervert. ANGELO: Good night na miss Virgin. I’ll be your first, promise. Napaka sira ulo niya. Bakit may lalaking ganyan ka bulgar? Walang kahihiyan sa sarili at napakabastos. Hindi ko na kinakaya ang mga messages sa akin ng Angelo na yun. Natulog na lang ako dahil sa inis sa kanya. Nakaramdam na rin ako ng sobrang antok. ANGELO: Good morning miss virgin. Ang agang bungad sa akin ng walang hiyang lalaki. Nakalimutan ko syang i-block kagabi. ME: I’m not A virgin anymore ok. So stop calling me miss Virgin. Sa inis ko ay naitext ko sa kanya ang totoo. Nagkaboyfriend na ako noong college at naisuko ko na ang p********e ko noon. ANGELO: That’s alright and mas masarap nga yung may experience na. Matagal ka na palang walang dilig. Wala ka nang boyfriend, right? Wanna have s*x tonight? I’m alone and lonely. ME: Anong trip mo sa buhay? Ang aga-aga, ang laswa mo. Kadiri ka at sinasabi ko sayo di kita papatulan. So, stop texting me you pervert, asshole. Then I blocked him again pero di mawala sa isip ko ang itsura niya kagabi. Ang gwapo, ang hot and so sexy. Tinapik ko ang pisngi ko para magising na sa katotohanan at baka king saan pa mapunta ang pagpapantasya ko. Fuck boy sya at s*x lang ang nais. Hindi ko sya papatulan dahil sa ugali niyang s*x maniac. Naibigay ko nga sa walanghiyang boyfriend ko noon, hindi ko na uulitin pa yun. Tanghali na ng bumaba ako at kumain na ng sabay ang breakfast at lunch. Linggo at walang pasok sa opisina. HANNAH: Girl nagyayaya si Angelo na lumabas. Sama tayo. ME: Kaw na lang. I need to do something. HANNAH: Ano naman ang gagawin mo? Magtutulog ka lang eh. Tara labas na tayo. Road trip daw. Masaya yun. ME: Kayo na lang. Ikaw ang niyaya pala bakit isassma mo pa ako. Para masolo mo sya. Mamaya pagselosan mo pa akp. HANNAH: Sasama daw sya kung maraming kasama. Kaya kailangan kasama ka peeo di ko hahayaan na akotin mo sya. ME: Call the two girls na lang. Kayo na lang kasi. HANNAH: Sige na sama ka na. Para makita mo ang mga ganap. Mamaya pag kinuwentuhan ka sabihin mo pa gawagawa ko lang ang mga moments namin ni Angelo. ME: You have nothing to prove. Alam kong ikaw na ang maganda at ikaw na nga ang gusto. HANNAH: Sige na please. Masaya kapag marami. Ikaw nang sinasama ayaw mo pa. ME: Bahala na. Busy nga kasi ako eh HANNAH: Ano ba yan? Natapos ang pag uusap namin ni Hannah sa text. Ayoko talagang umalis at gusto kong magpahinga lang ng araw na iyon. *** Nang bigla nanamang tumunog ang phone ko. Akala ko si Hannah at kukulitin nanaman ako. ANGEL: Susunduin kita at alam kong papayagan ka ni papa. ME:Who the hell are you? Gumawa ng bagong acount ang walang hiya. ANGEL: Your angel. ME: Fallen angel! Sorry but its a no! ANGEL: Basta susunduin kita. Papunta na ako. Get ready. ME: Mamuti ang mata mo kakaintay. Angel pa talaga ang ginamit na name. Ang kapal. He's no angel. Naupo lang ako sa sala habang nanonood ng tv at nagce-cellphone. Maya-maya ay dumating nga ang walang hiya. Akala ko joke lang pero malakas talaga ang trip nito sa buhay. Shit! Agad akong lumabas. I was in sleeveless shirt at pajama. Nabigla ako sa pagdating niya. "Ano na? Gusto mo bang ipagpaalam pa kita kay Papa?" "Papa ka dyan! Mag-intay ka kung kelan ako lalabas," masungit na saad ko saka pumasok na ulit sa loob ng bahay. Nagdiretso na ako sa banyo at naligo. Binagalan ko talaga para mainitan sya sa labas. Sa pagbibihis ay parang wala rin akong gana kaya mas binagalan ko pa. Isang oras ng matapos ako sa pag-aayos. Sasama na ako pero pahihirapan ko muna sya. Sunog na siguro ang mokong na yun. Natatawang saad ko sa aking sarili Sinilip ko sya sa labas para tingnan ang paghihirap niya sa ilalim ng araw pero motor nya lang ang nakita ko. Saan kaya sumilong ang walang hiya? Naisahan ako ha. "Alicia bilisan mo. Naiinip na ang sundo mo," narinig ko ang boses ni papa sa baba. Hala si papa nakikielam nanaman. Nagjeans ako at oversize shirt na naka tuck in tapos jacket at mini back pack. Nasa salas pala ang mokong na to at malamang pinapasok ng ama ko. Hay, mission failed na tustahin sya araw at gawing daing. Ano ba naman at napaka sagal mong kumilos? May naghihintay sa yo, di ka na nahiya," ako pa talaga ang pinagalitan. "Sorry naman," sarkastikong saad ko. "Tara na," anyaya ko kay Angelo na nakaupo sa salas. "Alis muna kami," paalam ko sa aking ama. "Mag-ingat kayo. Ingatan mong anak ko iho." may bilin pa talaga si papa. "Opo, pa, ma, alis po muna kami," paalam ni Angelo sa mga magulang ko. Ang galang infairness. "Ikaw yan? Ang bait ha. Di ba marumi yang bunganga mo?" pang-iinis ko sa lalaki. "Depende naman sa kausap. Syempre di ko babastusin ang mga magulang mo," nasa labas na kami at di na kami naririnig ng mga magulang ko kung anuman ang pinag-uusapan namin. "Kapag sa akin bastusan ganon?" "It’s admiration. My way to get your attention and to tell you how I’m into you," nambola pa ang walanghiya. Isang marahang sampal ang binigay ko sa kanya pero masakit. "Aray." "May lamok kasi sa pisngi mo. Pinatay ko lang kasi hinalikan ka." "Mamaya ikaw naman ang humalik sa akin," sumakay na sya sa motor niya. "Humawak ka. Ayokong mahulog ang prinsesa ko. Di pa kita natitikman." Ayokong-ayoko talaga ng mga naughty na salita lalo na at di naman kami, di kami close kaya kinagat ko sya sa likod niya pag angkas ko sa motor niya. "Aray, aray! Napaka sadista mong babae ka." "Ulitin mo pa talagang bastusin ako, bubugbugin talaga kita." "Oo na. Basta sa sarap mo ako bugbugin," ayaw nya talagang tumigil at patuloy akong iniinis. Isang beses ko pa syang kinagat na madiin. "Aray naman! Bad girl." "Ayaw mong tumigal ha." "Titigil na nga." himas nito ang balikat na kinagat ko. Umandar na ang motor at umalis na kami. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa lalaki. "Secret!" "Hoy Angelo!" "Hoy ka rin Alicia! Kumapit ka na kundi sa bahay kita dadalin." Hinampas ko ang likod ng ulo niyang nakahelmet. Puro kalokohan pa rin ang mga sinasabi niya. "Sobra ka na ha. Gusto mo bang makatikim?" banta nito sa akin na mukhang napipikon na. "Nang ano?" mataray na tanong ko Binilisan nito ang pagpapatakbo ng motor kaya napakapit ang mga kamay ko sa bewang niya at inipit ko ang balakang niya ng dalawa kong hita. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. "Angelo!" sigaw ko "Ano?" "Bagalan mo! Bwisit ka!" "Ayoko! Yakapin mo lang ako!" Hinigpitan kong maigi ang yakap ko at inipit ang tiyan nya. "Sobrang higpit naman!" sigaw niyang sabi sa akin. "Gusto mo 'to di ba?" Nakarating kami sa meeting place ilang minuto ang nakalipas. Nandoon ang tatlong babae at tatlong lalaki. Masama ang tingin ni Hannah sa akin pagdating namin ni Angelo. "Sa kotse ka na," saad nito sa akin at inagaw na ang helmet na tinanggal ko sa aking ulo. Isinuot niya ito sa kanyang sarili saka lumapit kay Angelo at pinakabit pa dito ang lock. Ang arte," bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD